Mataas na buwis sa luxury goods, suportado ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,241 total reads

Nagpahayag ng suporta ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa panukalang pagpapataw ng mas mataas na buwis sa mga luxury goods upang mapataas ang kita ng pamahalaan mula sa mga mayayaman sa bansa.

Ayon kay Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang pagpapataw ng mas mataas na buwis sa mga mamahaling bagay ay isang magandang paraan upang mapataas ang kita sa buwis ng bansa ng hindi naaapektuhan ang mga simpleng mamamayan na sapat lamang ang kinikita sa araw-araw.

Ipinakiwanag ng Obispo, na ang pagpapataw ng mataas na buwis sa mga luxury items ay makakaapekto lamang sa mga mayayaman na kayang bumili ng iba’t ibang mga bagay.

“Higher taxes on luxury items can generate revenue without unduly affecting low-income individuals. Since these luxuries are also unnecessary, those who can afford them will be less affected by the increased costs.” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Iginiit ni Bishop Bagaforo na maaaring magsilbing daan ang panukala upang matugunan ang income inequality sa lipunan.

Umaasa naman ang Obispo na gamitin ng pamahalaan ang malilikom na pondo mula sa panukalang pagpapataw ng mas mataas na buwis sa pagpapaigting ng mga programa at serbisyo sa publiko.

“The higher tariffs can be a way to reduce income inequality and provide more funding for government programs and services, like state health facilities, farm-to-market roads, and classrooms.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Naniniwala naman si Caritas Philippines Executive Director Rev. Fr. Antonio Labiao, Jr. na kaakibat ng nasabing panukala ang pagtiyak sa pagkakaroon ng transparency sa kung magkano ang malilikom na buwis at saan ito ilalaan ng pamahalaan.

Ayon sa Pari, dapat na malaman ng bawat Filipino kung saan napupunta ang kanilang buwis na bahagi ng kanilang pinaghirapang pagtrabaho.

Giit ni Fr. Labiao, naaangkop lamang na gamitin ng pamahalaan ang buwis ng taumbayan para sa mga pro-poor program, edukasyon at health care sector.

“There should always be transparency about how taxes are collected and used, and Filipinos should have access to information on the taxes they are paying. Additionally, taxes must be used to fund programs and services that are responsive to the basic needs of the citizens, like education, healthcare, and poverty reduction.” ayon kay Fr. Labiao.

Ang naturang panukala ni Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means ay hango sa naging panawagan at talakayan sa naganap na World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland kung saan hinimok ang bawat bansa na magpataw ng wealth taxes sa mga mayayaman.

Batay sa pinakahuling pagsusuri ng Oxfam, ang taglay na kayamanan ng siyam na pinakamayamang Filipino sa bansa ay katumbas ng pinagsama-samang yaman ng 55-milyong Filipino na sumasalamin sa umiiral na ‘inequality’ sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 40,810 total reads

 40,810 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 78,471 total reads

 78,471 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 113,768 total reads

 113,768 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 340,038 total reads

 340,038 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 230,978 total reads

 230,978 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top