Mapagpakumbaba, tunay na nakakatanggap ng biyayang kaloob ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,823 total views

Tanging ang mga mapagpakumbaba ang tunay na nakararanas ng kaligayahan at biyayang kaloob ng Panginoon sa bawat nilalang.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng Kanyang Kabunyian Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro Prefect Dicastery for Evangelization, sa Banal na Misa sa Pontificio Collegio Filippino sa Roma.

Ayon sa Cardinal hindi kinakailangang maging mapagmataas at mapagpanggap ng sinuman sapagkat minamahal ng Panginoon ang lahat kabilang na ang mga mahihina, mahihirap at maging ang mga kabilang sa maliliit na sektor ng lipunan.

Paliwanag ni Cardinal Tagle, sa pamamagitan ng pagpapakumbaba at pagiging totoo sa sarili ay mas higit na masusumpungan ng bawat isa ang biyaya at pagmamahal ng Panginoon.

“God loves you as you are, God calls the weak, God calls the poor, God calls the simple ones. You don’t have to pretend to be somebody else God loves you, that’s humility ‘I accept who I am and I rejoice in the Lord’. The truly humble is happy and blessed because the humble sees how God works, how God loves, how God is merciful and so he rejoices in the Lord,” ang bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Pagbabahagi ng Cardinal, mahalagang pagsumikapan ng lahat na maging mapagpakumbaba lalo na sa gitna ng iba’t ibang mga tukso at salik ng pakikipagtagisan sa kapwa na tila nagtutulak sa bawat isa upang maging mapagmataas at mapagmalaki.

Giit ni Cardinal Tagle ang pagiging puspus ng biyaya ay hindi nangangahulugan ng pagiging mas higit na mataas o lamang sa kapwa sa halip ay ang pagkilala sa lahat ng mga simpleng biyayang hatid ng Panginoon sa bawat isa.

“Seek it, look for humility, hanapin ninyo, pagsikapan ang pagkamababang loob. Humility will not just come to us, you have to seek it. Why? Because there are many forces in the world pushing us to seek the opposite, the world teaches us to seek pride, there was always this competition in the world and making those who are victorious the truly blessed, making those who feel always ahead of the others blessed and joyful, so without us knowing it the world pushes us to be proud,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Ayon sa Cardinal ang lahat ng bagay ay posible sa Panginoon kaya naman hindi kinakailangan ng sinuman na maging mapagmataas na mauuwi lamang sa pagkapagal.

Bukod dito binigyang diin din ni Cardinal Tagle na kaakibat ng pagiging mapagpakumbaba at pagtanggap sa katotohanan ng buhay ang katarungan, kapayapaan at kaligayan habang tanging sa kasinungalingan naman nakaugat ang pagiging mapagmataas at mapagmalaki sa kapwa.

Paliwanag ng Cardinal, “Seeking humility is coupled with seeking justice. Why? (Because) Pride is really based on lies, pride is a false sense of granture based on lies, ang kayabangan ay kasinungalingan and where there is pride, when there is so much lies there will be injustice. If we want joy, peace, blessedness we seek humility and when there is humility there will be justice.”

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 17,396 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 17,498 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 84,049 total views

 84,049 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 153,443 total views

 153,443 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 184,727 total views

 184,727 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 216,740 total views

 216,740 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 364,587 total views

 364,587 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, balik Vatican na

 8,747 total views

 8,747 total views Nagbalik na sa Vatican ang Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV matapos ang ilang linggong pamamahinga sa Castel Gandolfo, na summer residence ng mga

Read More »
Scroll to Top