Sabwatan ng PNP at APMC,kinundena ng Bayay Sibuyanon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,580 total views

Kinondena ng Bayay Sibuyanon ang sabwatan sa pagitan ng Altai Philippines Mining Corporation at Philippine National Police kabilang na ang ilang lokal na opisyal sa Sibuyan Island, Romblon.

Ayon kay Bayay Sibuyanon president Rodne Galicha, ang pagprotekta ng mga awtoridad sa mining company ay hindi katanggap-tanggap lalo’t lingid na maraming paglabag at pang-aabusong ginawa ang kumpanya sa simula pa lamang.

“This calls for status quo and multi-sectoral and transparent investigation,” pahayag ni Galicha.

Nito lamang umaga ng Pebrero 3 ay bahagyang nagkaroon kaguluhan sa pagitan ng mga residente ng Sibuyan at Altai Mining nang sapilitang dumaan sa barikada at nagresulta sa dalawang sugatang indibidwal.

Nananawagan naman si Galicha kina San Fernando, Romblon Mayor Nanette Tansingco at Romblon Governor Jose Riano na maglabas ng cease and desist order laban sa Altai Mining.

Hiling din ng Bayay Sibuyanon na bigyang-pansin at masagawa ng imbestigasyon ang kongreso at senado upang talakayin ang nangyayaring ilegal na operasyon sa isla ng Sibuyan.

Gayundin ang presensya ng Commission on Human Rights at Department of Environment and Natural Resources upang matugunan ang mga suliraning kinakaharap ng mga residente ng Sibuyan.

“We urge the House of Representatives and the Senate to conduct an immediate hearing in aid of legislation; and the Commission on Human Rights to be present on the ground. We demand that a national team of the Department of Environment and Natural Resources to come to Sibuyan Island within the week to address all issues and concerns, a status quo is necessary,” ayon kay Galicha.

Nauna nang nagpahayag ng suporta si Romblon Bishop Narciso Abellana sa mamamayan ng Sibuyan na patuloy na naninindigan laban sa mining company.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 16,148 total views

 16,148 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 38,153 total views

 38,153 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 62,495 total views

 62,495 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 86,423 total views

 86,423 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 121,014 total views

 121,014 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top