Hindi pa tapos ang paghahanap ng hustisya

SHARE THE TRUTH

 661 total views

Mga Kapanalig, kung legacy o pamana ang tingin ni dating Pangulong Duterte at ng kanyang mga kakampi sa pulitika at masugid na tagasuporta sa madugo nitong war on drugs, isa itong madilim na yugto sa ating bansa para sa mga naniniwala sa karapatang pantao at sa patas na pagpapatupad ng batas. Isa itong yugtong lagi—at dapat—na magpaalala sa atin kung ano ang bunga ng pamamahalang baluktot ang pag-unawa sa katarungan at bulág sa katotohanang ang sinumang tao—kahit ang mga nagkakasala sa batas—ay may angking dangal.

Muli, hindi natin kinukunsinti ang mga krimeng ginagawa ng mga kapatid nating nalululong sa ipinagbabawal na gamot. Ngunit ang pagkaitan sila ng pagkakataong ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa harap ng batas at—ang mas masahol pa—ang patayin sila nang walang kalaban-laban ay mga maling paraan upang solusyunan ang sinasabing problema sa droga. Sa opisyal na tala ng gobyerno, hindi bababa sa anim na libo ang namatay sa mga lehitimong operasyon ng mga pulis. Malayo ito sa tala ng mga human rights groups na nagsabi ring sangkot ang mga pulis sa ilang vigilante killings at sinadya nilang hindi aksyunan ang mga patayang ito.

Sa tindi ng naging bunga ng giyera kontra droga at sa pagtatanggol sa mga pagpatay sa ngalan umano ng kapayapaan at kaligtasan ng mga kabataan, itinaas ng ilang grupo sa International Criminal Court (o ICC) ang anila’y crime against humanity ng nakaraang administrasyon. Magkakaroon sana ng imbestigasyon ang ICC ngunit sinuspindi ito matapos mangako ang gobyernong maglulunsad ito ng sarili nitong imbestigasyon sa mga pagpatay.

Ngunit bago natapos ang Enero, sinabi ng ICC na muli nitong bubuksan ang imbestigasyon. Hindi ito kumbinsidong sapat ang ginawang imbestigasyon ng ating mga awtoridad. Magsisilbi ang ICC bilang instrumento ng pagpapanagot sa mga matataas na opisyal ng gobyerno, bagamat hindi pa nila pinapangalanan kung sinu-sino ang padadalhan nila ng summons o warrant. Para sa mga naghain ng petisyon sa ICC, patunay itong hindi pa tapos ang paghahanap ng hustisya para sa mga biktima ng marahas na war on drugs.

Sa kanyang talumpati noong isang taon sa UN General Assembly, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr na ang paggalang sa karapatang pantao ay isa sa mga

paraan ng Pilipinas upang ipakita ang pakikiisa nito sa mga hangarin ng United Nations. Ngunit kaakibat dapat nito ang pagtupad sa mga responsabilidad ng mga naatasang itaguyod ang karapatang pantao. Katulad nga ng ipinahihiwatig sa Catholic social teaching na Octogesima Adveniens, kaakibat ng tunay na pakikiisa, o solidarity, ang kahandaang managot para sa kabutihang panlahat o common good, at kabilang dito ang paggagawad ng katarungan sa mga biktima ng pang-aabuso ng mga nasa kapangyarihan. Kung tunay na nakikiisa ang Pilipinas sa UN na makamit ng lahat ng tao ang kanilang mga karapatan, handa ba ang administrasyong papanagutin ang mga umabuso sa karapatang pantao habang ipinatutupad ang war on drugs?

Magiging mabunga ang imbestigasyong gagawin ng ICC kung makikipagtulungan ang kasalukuyang gobyerno. Paano kaya ito mangyayari kung si PBBM ay kilalang kaalyado ni dating Pangulong Duterte at may malaking utang na loob sa mga maiimpluwensyang personalidad na dikit sa dating presidenteng pasimuno ng war on drugs? Paano makikipagtulungan ang isang gobyernong kinabibilangan pa rin ng mga naging instrumento ng madugong giyera kontra droga?

Mga Kapanalig, sa balitang ito tungkol sa imbestigasyong gagawin ng ICC, abangan natin kung aalagaan ng ating mga lider ang kanilang kawan, katulad ng ipinapaalala sa Mga Kawikaan 27:23, o kung titiklop sila sa mga pinagkakautangan nila ng loob at hahayaang nilang maging mailap ang katarungan sa mga biktima ng giyera kontra droga.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Manggagawang Pilipino

 24,410 total views

 24,410 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 30,566 total views

 30,566 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 34,928 total views

 34,928 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »

Trabaho sa kabila ng init

 45,519 total views

 45,519 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 53,742 total views

 53,742 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 24,411 total views

 24,411 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 30,567 total views

 30,567 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 34,929 total views

 34,929 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 45,520 total views

 45,520 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 53,743 total views

 53,743 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 40,294 total views

 40,294 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 46,270 total views

 46,270 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 49,363 total views

 49,363 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 39,068 total views

 39,068 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 39,956 total views

 39,956 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 55,259 total views

 55,259 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 67,668 total views

 67,668 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 62,012 total views

 62,012 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 63,218 total views

 63,218 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 73,209 total views

 73,209 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top