Paglaban sa human trafficking, tiniyak ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,070 total reads

Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagpapaigting ng mga hakbang upang labanan ang human trafficking.

Ito ay sa pamamagitan ng paglulunsad ng CBCP- Cluster Against Human Trafficking (CCAHT) ng kauna-unahang National Day of Prayer and Awareness against Human Trafficking (NDPAHT) na idinaos sa Shrine of Mary Queen Of Peace Our Lady of EDSA na mas kilala bilang EDSA Shrine.

Ayon kay CBCP Vice-president Mylo Hubert Vergara, hudyat ang paggunita ng N-D-P-A-0-H-T ang higit na pakikiisa ng simbahan at pagsasagawa ng mga hakbang na tutulungan ang mga biktima ng human trafficking.

“Hindi lang ito advocacy for prayer, it’s advocacy to do concrete actions against this vicous crime and sabi nga po sa sana marami pang mahikayat both individually and collectively para maharap natin itong mga problemang ito kasi ang naapektuhan hindi lang ang mga kababayan natin, kungdi pati abroad ngayon kasi isang matinding issue ay yung Online Sexual Exploitation, isang dapat harapin po natin yan kaya sana nga po magtulong-tulong ang public and private sector to really be active advocates of this endeavor against human trafficking,”  bahagi ng panayam ng Radio Veritas kay Bishop Mylo.

Ayon naman kay Father Roger Manalo – Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, sa tulong din ng pakikipagtulungan sa pamahalaan ay mas mapapalapit ang simbahan sa mga biktima ng human trafficking.

Ito ay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Department of Justice (DOJ) upang agad na matukoy at matulungan ang mga biktima.

Kasabay ito ng layunin ng Pari na paglulunsad ng mga educational program sa mga OFW upang magkaroon ng sapat na kaalaman hinggil sa mga bansang kanilang pagtatrabahuhan at maiwasan ang pagkakataon ng mga pang-aabuso.

Mensahe naman ni Father Jerome Secillano – Rector ng EDSA Shrine at Executive Secretary ng CBCP – Episcopal Commission on Public Affairs na bukas upang magsilbing simbolo ng pag-asa at pagbangon mula sa anumang hamon sa buhay ang EDSA Shrine higit na para nakakatanggap ng pang- aabuso at human trafficking.

Ang pagsisimula ng taunang paggunita ng NDPAHT ay matapos italaga ang unang araw ng Linggo sa buwan ng Pebrero bilang araw ng pananalangin kasabay ng pag-aalala sa nakaranas ng modern-day slavery sa Pilipinas at maging sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 11,936 total reads

 11,936 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 96,986 total reads

 96,986 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 191,317 total reads

 191,317 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 253,003 total reads

 253,003 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 298,335 total reads

 298,335 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top