Alay Kapwa Solidarity appeal, suportado ng Military Ordinariate of the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,738 total views

Ipapaabot ng Pilipinas ang anumang tulong upang makabangon mula sa 7.8 na magnitude na lindol ang Turkiye.

Ito ang tiniyak ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, matapos ilunsad ng Caritas Philippines ang ‘Alay Kapwa Solidarity Appeal’ upang makalikom ng sapat na pondong ipapadala bilang tulong sa Caritas Turkiye.

Ito rin ang mensahe ng Obispo matapos ipadala ng pamahalaan sa pangangasiwa ng Department of National Defense at Office of the Civil Defense ang 82-miyembro ng Philippine Rescue Team upang tumulong sa search and rescue operations sa mga gumuhong gusali sa Adiyaman Turkiye.

“Sana ito po ay kahit papaano ay maibsan din yung kanilang pangangailangan at siguro we can also make statement that we are part of the whole family, and I hope and pray in my part na sana naman na yung mga tao doon that they will be consoled also that all these things, hindi naman ito para bang sinadya(ang lindol), but we can always console in whatever way we can,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, ang pagpapadala ng agad na tulong sa Turkiye ay bahagi din ng pakikiisa ng Pilipinas bilang miyembro ng United Nations.

Panalangin din ng Obispo na sa kabila ng kalamidad ay mapanatili ng mga biktima ang kanilang pag-asa upang maipagpatuloy ang buhay.

“But then what we can do is be a great help, be a good brother dahil ito man, hindi natin alam ito ay mangyari sa atin, the number is getting worse so parami nang parami we cannot afford also to just look at them kaya nga dito sa unang-una sa Dioceses natin kayo po ay hinihikayat to share what we can, ito yung sa Caritas Philippines dahil tayo po ay may tungkulin to help out doon sa mga nasalanta,” paanyaya ni Bishop Florencio

Batay sa pinakahuling ulat ng Philippine Rescue Team na nakatalaga sa Adiyaman Turkey, umaabot na sa 20-gusali ang kanilang nasuri kung saan nailagtas at agad na dinala sa mga nakaantabay na Philippine Medical team ang may 55-survivors ng lindol.

Batay sa pinakahuling ulat, umaabot na sa higit 40-libong katao ang naitalang nasawi matapos ang malakas na lindol noong February 06.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 18,637 total views

 18,637 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 54,427 total views

 54,427 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 96,319 total views

 96,319 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 149,826 total views

 149,826 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 175,499 total views

 175,499 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Simbakuran, inilunsad ng Diocese of Cubao

 9,284 total views

 9,284 total views Inilunsad ng Diocese of Cubao ang “Simbakuran” upang tugunan ang lumalalang kahirapan at laganap na kahirapan. Layon ng Simbakuran na pag-isahin ang mga

Read More »
Scroll to Top