Panalangin, hiling ng bagong Obispo ng Apostolic Vicariate of San Jose Occidental Mindoro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,277 total views

Umaasa si San Jose Occidental Mindoro Bishop Pablito Tagura na lumago sa kabanalan at bilang kristiyanong pamayanan ang bikaryato sa kanyang pamumuno.

Ito ang inihayag ng obispo sa kanyang ordinasyon nitong February 17, 2023 na ginanap sa Diocesan Shrine of Jesus the Divine Word na pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle ng Dicastery for Evangelization ng Vatican.

Hiling ni Bishop Tagura sa mananampalataya ang panalangin sa ikatatagumpay ng kanyang pamumuno bilang pastol sa halos kalahating milyong katoliko ng bikaryato.

“Please pray for me and with me that as I, journey in faith with the laity and the clergy of San Jose Occidental Mindoro, we may grow together in love as missionary disciples of the Lord,” bahagi ng pahayag ni Bishop Tagura.
Sinabi ng obispo na bagamat malaking tungkulin ang iniatang sa kanya ng simbahan ay sisikapin nitong gampanan ang gawain sa tulong at gabay ni Hesus ang Mabuting Pastol.

Disyembre 2022 nang hirangin ng Santo Papa Francisco si Bishop Tagura bilang ikatlong obispo ng Apostolic Vicariate of San Jose makaraan ang halos limang taong sede vacante nang magretiro si Bishop Antonio Palang noong 2018 dahil sa karamdaman.

“I hope and pray that I am worthy for the trust and confidence of the Holy Father Pope Francis in appointing me as bishop” ani Bishop Tagura.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Cardinal Tagle mensahe nito sa bagong obispo na maging mabuting pastol sa kawang pamumunuan habang tiniyak ang patuloy na panalangin.

“Be a good shepherd to the people entrusted to your care, as I am praying for your new mission,” mensahe ni Cardinal Tagle.

Katuwang ni Cardinal Tagle sa ordinasyon ni Bishop Tagura sina Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown at Lipa Archbishop Gilbert Garcera.

Dumalo rin sa pagtitipon ang ilang obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pangunguna ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 29,458 total views

 29,458 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 47,358 total views

 47,358 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 93,924 total views

 93,924 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 82,223 total views

 82,223 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 101,491 total views

 101,491 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top