Mga Maralitang Mangingisda ng Bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,235 total reads

Ang mga  mangingisda ay isa sa mga pinakamahirap na sektor sa ating bayan. Sila ay poorest of the poor. Nasa 26.2% ang poverty incidence sa kanilang hanay. Napaka-ironic kapanalig, na ang maliit na mga mangingisda sa Pilipinas ay nagpapakain sa maraming mga komunidad sa bansa at malaki ang na-a-ambag sa ekonomiya ng bayan. Pero, sila ang gutom. Sila ang salat.

Ang daming hamon sa kanilang sektor. Unang-una, ang  mga maliit na mangingisda ay laging namemeligro ang buhay. Pumapalaot sila gamit ang mga maliliit na bangka, umaasa na marami ang maani sa karagatan. Ngunit dahil sa mga hamon  gaya ng climate change, overfishing, pati na polusyon, paunti na ng  paunti ang kanilang mga nahuhuli.

Kompetisyon din nila ang mga naglalakihang fishing vessels. Nag-uunahan sila sa lumiliit na ani mula sa karagatan. At syempre dahil maliit lamang ang bangka ng ating mga maralita o artisanal na mangingisda, sila ang dehado.

Ang mga hamon na ito ay hindi lamang nagdudulot ng mga panganib sa hanapbuhay ng mga mangingisda. Hindi lamang ito nagpapaliit ng kanilang mga kita. Malaki rin ang epekto nito sa mga komunidad na nakasalalay sa kanilang mga hanapbuhay. Upang masugpo ang mga hamong ito, ang gobyerno ay dapat maglaan ng mga programa at proyekto upang suportahan ang maliit na mga mangingisda sa Pilipinas.

Isa sa mga programang ito ay ang pagpapalakas ng mga kooperatiba sa kanilang hanay. Makakapagbigay ito ng mga oportunidad sa kanila upang mas magkaisa at magkaroon ng mas malakas na boses sa kanilang sektor. Ang pagkakaroon ng mga kooperatiba ay nagbibigay ng mga benepisyo sa mga mangingisda, tulad ng pag-access sa mga pamamaraan ng pangingisda na hindi nakakasira sa kalikasan at pag-access sa mga merkado para sa kanilang mga produkto.

Isama din natin  ang mga mangingisda sa modernisasyon. Dapat din maglaan ng mga programa na nagbibigay sa kanila ng kasanayan sa paggamit ng mga teknolohiya, tulad ng mga satellite images at iba pang mga teknolohiya sa pananaliksik. Sa ganitong paraan, sila ay magkakaroon ng mas malawak na kaalaman tungkol sa kalagayan ng dagat at maaaring magplano ng mga estratehiya upang mapanatili ang kanilang hanapbuhay.

Ang mga maliit na mangingisda sa Pilipinas ay may mahalagang papel sa sa ating bayan at ekonomiya. Malaki ang bahagi nila sa food security ng bayan. Ayon nga sa Laudato Si: Our world has a grave social debt to the poor. Upang masiguro na sila ay patuloy na makapagbibigay ng kanilang mga serbisyo, mahalaga na maglaan ng mga programa at proyekto upang suportahan ang kanilang hanapbuhay at matugunan ang mga suliranin na may kaugnayan sa pangingisda. Ang pagtugon sa kanilang mga pangangailangan ay ayon sa prinsipyo ng pagtatangi sa maralita o preferential option for the poor.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 1,141 total reads

 1,141 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 43,229 total reads

 43,229 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 77,356 total reads

 77,356 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 133,762 total reads

 133,762 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 1,142 total reads

 1,142 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 43,230 total reads

 43,230 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 77,357 total reads

 77,357 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 133,763 total reads

 133,763 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top