1,000-pisong inflation rate financial assistance, ikinadismaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,938 total reads

Dismayado ang Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) sa pagkakaloob ng pamahalaan ng 1,000-pesos na inflation rate financial assistance.

Iginiit ni Eufemia Doringo – Secretary General ng KADAMAY na napakaliit ng halaga ng ayudang ipapamahagi kumpara sa napakataas na inflation rate na umabot sa 8.7% noong Enero at nakatakdang pagtataas ng pamasahe sa LRT at MRT.

“Bakit pagdating sa mga maralita’t mahihirap parang sentimo o barya-barya lang yung kailangang ibigay na tulong e mas nangangailangan nga yung mga maralita ng pag-agapay mula sa ating pamahalaan, hindi naman kasi pwedeng sabihin na dahil maralita kami ay hindi kami nagbabayad ng buwis, kahit nga anong bilihin namin ay nadodoble pa, kami nga yung nadodoble-doble yung pagbabayad ng buwis,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Doringo.

Ayon sa mga pag-aaral ng KADAMAY, ang 1,000-pisong financial assistance na ipapamahagi sa loob ng dalawang buwan ay katumbas lamang ng karagdagang 2 hanggang 3 pisong tulong sa pang araw-araw na gastusin ng mga mahihirap.

Umaapela naman si Doringo ng pakikinig sa panawagan ng mga mahihirap na itaas o itakda ang nag-iisang national minimum wage at ibaba ang presyo ng mga bilihin.

Kinundena din ng Thank Tank Group na Ibon Foundation ang nakatakdang pamamahagi ng ayuda na dapat sana’y noong nakalipas na taon pa naipamahagi.

“Huling-huli na actually yung pagbibigay ng ayudang ito, dapat noong nakaraang taon pa naibigay ang ayudang ito, at actually kulang pa siya, so para sa amin ngayon yung usapin ng ayuda dapat medyo iangat yan, alam ko may reaksyon palagi na walang pera yung gobyerno,” ayon sa pahayag ni Sonny Africa, Executive Director ng Ibon Foundation sa Programang Baranggay Simbayanan.

Ang 1,000-pesos inflation assistance ay mayroong 9-bilyong pisong pondo para sa 9-bilyong mahihirap na pamilya sa bansa.

Ito ay inanunsyo ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno na ipamamahagi sa pamamagitan ng Target Cash Assistance ng Department of Social Welfare and Development.

Una ng nakiisa ang Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern sa mga panawagang itaas ang suweldo ng mga manggagawa at makinig sa hinaing ng mga mahihirap at iba pang sektor ng lipunan na nararanasan ang krisis sa ekonomiya.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 20,440 total reads

 20,440 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 20,567 total reads

 20,567 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 36,943 total reads

 36,943 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 93,349 total reads

 93,349 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 216,850 total reads

 216,850 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 300,423 total reads

 300,423 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 52,219 total reads

 52,219 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top