Remittances: Sagot ba sa kahirapan ng masa?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 491 total reads

Marami sa ating mga kababayan, kapanalig, ang tingin sa pag-a-abroad ay sagot sa lahat ng kahirapang dinadanas ng kanilang pamilya. Marami sa atin, naniniwalang pag may nag-abroad sa pamilya, giginhawa na ang buhay. Ito ang karaniwang nagiging pag-asa ng maraming pamilyang Filipino.

Hindi natin masisi ang ating mga kababayan sa paniniwalang ito. Lalo ngayon kung kailan napakataas ng mga bilihin sa ating bansa. Umabot na nga ng 8.6% ang inflation rate natin noong Pebrero. Damang dama ng marami ang pagtaas ng bilihin. Noong nakaraang taon, nasa 3% lamang ang inflation natin ng parehong buwan.

Kaya nga’t ang remittances ng ating mga OFWs ay parang lunas sa sakit – ginhawa sa patang katawan at isip. Noong Disyembre 2023, umabot sa $36.14 billion ang padala nila – napakalaki nito kapanalig, mas malaki pa sa halaga noong 2021 na $34.88 billion. Napakalaking ambag nito sa ating ekonomiya at sa budget ng mga kabahayan.

Kaya lamang kapanalig, kahit gaano kalaki pa ang padala ng mga OFWs, marami pa ring mga Filipino ang mahirap. Sa katunayan, nasa 18.1% ang poverty incidence sa ating bayan. Milyon milyon pa rin ang mahirap kahit bilyon pa ang padala ng mga bagong bayani.

Hindi sapat kapanalig, ang magpadala ng magpadala ng mga manggagawang Filipino sa ibang bansa para lamang umusad ang buhay ng mga naiwan dito sa ating bayan. Kailangan din na maisa-ayos natin ang sitwasyon ng ating mga lokal na manggagawa upang mas maging stable o matatag ang kanilang trabaho dito at magkaroon pa sila ng mas maraming oportunidad para sa kanilang career advancement.

Kailangan natin maisaayos ang business environment sa ating bansa upang mas kayanin ng mga negosyante na makapag-expand at makalikha ng trabaho para sa maraming mga Filipino. Kailangan din nating buhayin ang entrepreneurial spirit ng ating mga kababayan upang mas marami ang makapagsimula ng mga negosyo upang maging buhay na buhay ang ating merkado.

Mas mura at mas madali para sa lokal at nasyonal na pamahalaan ang mag-export ng tao kaysa mamuhunan para sa kagalingan ng mamamayan. Mas matagal ang balik ng kita, ika nga. Pero kapanalig, kailangan nating gawing mas sustainable ang income ng mga mamamayan, at hindi natin maiasasa ito sa remittances ng mga OFWs. Bitin ito, marami na ring kumpetisyon, at hirap na hirap na rin ang marami sa kanila kakayod para sa maliit din naman na sahod.

Sana naman, mapansin ng pamahalaan ang problemang ito. Sabi nga sa Pacem in Terris: The government should make similarly effective efforts to see that those who are able to work can find employment in keeping with their aptitudes, and that each worker receives a wage in keeping with the laws of justice and equity.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 40,885 total reads

 40,885 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 63,084 total reads

 63,084 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 99,583 total reads

 99,583 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 320,210 total reads

 320,210 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 352,501 total reads

 352,501 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Fashion show sa baha

 40,886 total reads

 40,886 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 63,085 total reads

 63,085 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 99,584 total reads

 99,584 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 320,211 total reads

 320,211 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »
Scroll to Top