Matatag na ugnayan ng COMELEC sa mga stakeholder, pinatibay ng National election summit.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,985 total reads

Binigyang diin ng Commission on Elections (COMELEC) ang kahalagahan ng kauna-unahang National Election Summit na isinasagawa ng ahensya.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, mahalaga ang tatlong araw na pagtitipon na layong makinig at makipagtulungan sa iba’t ibang grupo, organisasyon at institusyon para sa mas maayos at matapat na pagsasagawa ng halalan.

Pagbabahagi ni Garcia, sadyang mahalaga para sa COMELEC na maging bukas para sa iba’t ibang mga kaalaman, karanasan, pag-aaral at pagsusuri na maaring magamit ng ahensya para sa higit na pagpapabuti at pagsasaayos ng kabuuang proseso ng halalan sa bansa.

“Not only because this is the first, but because it shows the intention of COMELEC to listen and to consult with practically everybody. Napaka-importante if the COMELEC would always listen and learn from experiences, from the studies, research of everyone.”  pahayag ni Garcia.

Paliwanag ni Garcia, hindi naaangkop at hindi rin madali para sa COMELEC na sarilihin ang pamamaraan at pagsasakatuparan ng kabuuang proseso ng halalan.

Bahagi ng tatlong araw na pagtitipon na nagsimula noong ika-8 ng Marso, 2023 ang iba’t ibang mga grupo, organisasyon at institusyon na bumubuo sa stakeholders ng COMELEC na katuwang ng ahensya sa pagtiyak ng kaayusan at katapatan ng halalan.

Tema ng kauna-unahang National Election Summit ang “Pagtutulungan sa Makabagong Halalan” na naglalayong magsilbing daan para sa mas malawak na ugnayan at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan para sa pagsasakatuparan ng mas maayos, malaya, mapayapa at matapat na halalan sa bansa.

Bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahan sa halalan ay kabilang ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga pangunahing stakeholders na nakikibahagi sa nasabing pagtitipon.

Una ng inihayag ni PPCRV National Coordinator Dr. Arwin Serrano na isang magandang pagkakataon ang nasabing pagtitipon upang higit na mapalakas ang ugnayan at pagtutulungan ng mga ahensya at mga grupo na nangangasiwa at nagbabantay sa kabuuang proseso ng halalan sa bansa.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,919 total reads

 22,919 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 4,159 total reads

 4,159 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 40,702 total reads

 40,702 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 97,108 total reads

 97,108 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 220,574 total reads

 220,574 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top