LENTE, nagpaabot ng pagbati sa Bangsamoro Transition Authority Parliament.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,667 total reads

Nagpaabot ng pagbati ang Legal Network for Truthful Elections (LENTE) sa Bangsamoro Transition Authority Parliament matapos na tuluyang maisabatas ang Bangsamoro Electoral Code of 2023 o Bangsamoro Autonomy Act No. 35.

Kinilala ni LENTE Executive Director Atty. Rona Ann Caritos ang pagsusumikap ng Committee on Rules ng Bangsamoro Transition Authority Parliament na matiyak ang maayos na pagkakabuo ng nasabing Bangsamoro Electoral Code.

“The Legal Network for Truthful Elections would like to congratulate the Bangsamoro Transition Authority Parliament, especially the Committee on Rules, for the swift enactment of the Bangsamoro Electoral Code of 2023 or the Bangsamoro Autonomy Act No. 35.”  pahayag ng LENTE.

Nagpaabot rin ng pasasalamat ang LENTE sa pagbibigay ng pagkakataon sa organisasyon sa pagbubuo ng  Bangsamoro Electoral Code sa pamamagitan ng pagsasagawa ng konsultasyon sa rehiyon na nagresulta sa institutional partnership sa pagitan ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education para sa opisyal na pagsasama ng Bangsamoro History and Bangsomoro Parliamentary System sa Senior High School Curriculum.

Mula taong 2020 ay aktibo na ang LENTE sa pakikibahagi sa iba’t ibang mga inisyatibo at gawain sa pagbubuo ng Bangsamoro Electoral Code kung saan kabilang sa mga inisyatibong pinangunahan ng organisasyon ay ang pagsasagawa ng serye ng konsulasyon at talakayan sa iba’t ibang mga sektor sa rehiyon ng BARMM.

Layunin ng pagbubuo ng Bangsamoro Electoral Code of 2023 na matiyak ang pagkakaroon ng inclusive election sa rehiyon bilang paghahanda sa nakatakdang parliamentary elections sa BARMM sa taong 2025.

Ang Legal Network for Truthful Elections (LENTE) ay isa sa mga pangunahing kasaping organisasyon ng Halalang Marangal Coalition na binubuo ng iba’t ibang mga organisasyon na nagsusulong sa pagkakaroon ng matapat at marangal na halalan sa bansa na pinangungunahan ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,048 total reads

 22,048 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,175 total reads

 22,175 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,402 total reads

 39,402 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,808 total reads

 95,808 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,309 total reads

 219,309 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 302,730 total reads

 302,730 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top