Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,543 total views

Kinundena ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) ang karahasang patuloy na idinudulot ng hazing bilang bahagi ng initiation rites ng iba’t ibang mga fraternity sa bansa.

Sa pamamagitan ng opisyal na pahayag,  iginiit ng COCOPEA ang hindi katanggap-tanggap na pagkamatay nina University of Cebu student Ronnel Baguio nooong Disyembre 2022 at Adamson University student John Matthew Salilig nitong Pebrero 2023 sa mga kamay ng mga miyembro ng kapatiran na nais nilang salihan.

“The Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) condemns in the strongest terms the deaths of college students John Matthew Salilig and Ronnel Baguio, both of whom were reported to have died due to hazing allegedly conducted in relation to fraternity initiation rites.” Ang bahagi ng pahayag ng COCOPEA.

Ayon sa pamunuan ng COCOPEA na pinangungunahan ni COCOPEA Chairperson Engr. Bernard Nicolas E. Villamor na siya ring pangulo ng Philippine Association of Colleges and Universities (PACU) nararapat maparusahan ang mga nasa likod ng hazing.

Paliwanag ng COCOPEA dapat na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga mag-aaral na nagnanais lamang makibahagi sa isang kapatiran.

“COCOPEA joins the numerous calls for judicious action and investigation of these cases, in accordance with due process, so that justice may be served. We recognize the importance of upholding the dignity and self-respect of all persons, and strongly condemn all forms of harm or violence, whether it be physical or psychological, especially those that endanger the lives of students such as hazing.” Dagdag pa ng COCOPEA.

Iginiit ng COCOPEA na maipatupad ang Anti-Hazing Law at mabigyan ng mas malinaw na konsepto ang mga kabataan sa tunay na diwa at kahulugan ng pakikipagkapatiran.

Nanawagan naman ang COCOPEA sa iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan gayundin sa pamunuan ng mga unibersidad at mga paaralan na higit na maging mapagbantay sa mga organisasyon ng mga mag-aaral tulad na lamang ng mga fraternity na walang basbas o hindi otorisado ng mismong paaralan.

Ang Coordinating Council of Private Educational Associations ay binubuo ng Philippine Association of Colleges and Universities (PACU), Philippine Association of Private Schools, Colleges, and Universities (PAPSCU), Association of Christians Schools, Colleges, and Universities (ACSCU), Unified TVET of the Philippines, Inc. (UniTVET) at ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 46,549 total views

 46,549 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 74,554 total views

 74,554 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 92,354 total views

 92,354 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 90,370 total views

 90,370 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 199,312 total views

 199,312 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pag-iral ng El Niño, idineklara ng PAG-ASA

 2,548 total views

 2,548 total views Opisyal ng idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pag-iral ng El Niño sa bansa. Ayon kay PAGASA Weather

Read More »
Scroll to Top