Organic vegetable, isinusulong ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,396 total views

Isinusulong ng Apostolic Vicariate ng Taytay, Palawan ang organic vegetable production upang makatulong sa hanapbuhay ng mga magsasaka at mapigilan ang lumalalang epekto ng climate change.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, nagsagawa ang apostoliko bikaryato ng libreng pagsasanay upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga magsasaka at ibang mamamayan tungkol sa benepisyo ng organic farming.

Sinabi ni Bishop Pabillo na makabubuti ito sa kalusugan dahil ang nilalayon ng organic technology na maiwasan ang paggamit ng mga abono at iba pang kemikal na bukod sa magastos ay mapanganib rin sa kalusugan.

“Tinuturuan namin ang mga tao kung paano po lumipat sa organic for the reason of health, mas maganda ‘yung organic sa health. At for the reason of economy na hindi masyadong gagastos para sa mga chemical pesticides at chemical fertilizers. Pwede namang mabuhay by means of organic kaya tinutulungan namin sila kung paano gamitin ang organic technology,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Ang organic vegetable production ay kabilang sa mga programa ng AVT-Social Action Center Justice, Peace, and Development, Inc. sa pamamagitan ng Diversified Integrated Organic Farm and Training Center.

Pagbabahagi ni Bishop Pabillo na ang programa ng apostoliko bikaryato ay suportado rin ng Diocese of Cubao na nagbigay ng puhunan upang makapagpatayo ng mga pasilidad para sa farm school at makapagsimula ng organic farming sa iba pang saklaw na parokya.

“Nagpapasalamat kami sa Diocese of Cubao para sa kanilang binigay na tulong, at ito ay gagamitin namin para ipakita at ibahagi sa mga tao ang benepisyo ng organic vegetable production sa kabuhayan, kalusugan, at kalikasan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ang Pilipinas ay isang ‘agricultural country’ na mayroong 30 milyong ektaryang lupain kung saan 47 porsyento nito ay nakalaan para sa sektor ng agrikultura.

Taong 2005 nang simulang kilalanin sa bansa ang kahalagahan ng organic farming sa pamamagitan ng Republic Act 10068 o Promotion and Development of Organic Agriculture in the Philippines, at sinundan naman ito ng pagpasa sa Organic Agriculture Act of 2008 na mas nagsulong sa organic agriculture sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 24,271 total views

 24,271 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 74,285 total views

 74,285 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 70,154 total views

 70,154 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 105,929 total views

 105,929 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 113,181 total views

 113,181 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top