Remittances: Sagot ba sa kahirapan ng masa?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 432 total views

Marami sa ating mga kababayan, kapanalig, ang tingin sa pag-a-abroad ay sagot sa lahat ng kahirapang dinadanas ng kanilang pamilya. Marami sa atin, naniniwalang pag may nag-abroad sa pamilya, giginhawa na ang buhay. Ito ang karaniwang nagiging pag-asa ng maraming pamilyang Filipino.

Hindi natin masisi ang ating mga kababayan sa paniniwalang ito. Lalo ngayon kung kailan napakataas ng mga bilihin sa ating bansa. Umabot na nga ng 8.6% ang inflation rate natin noong Pebrero. Damang dama ng marami ang pagtaas ng bilihin. Noong nakaraang taon, nasa 3% lamang ang inflation natin ng parehong buwan.

Kaya nga’t ang remittances ng ating mga OFWs ay parang lunas sa sakit – ginhawa sa patang katawan at isip. Noong Disyembre 2023, umabot sa $36.14 billion ang padala nila – napakalaki nito kapanalig, mas malaki pa sa halaga noong 2021 na $34.88 billion. Napakalaking ambag nito sa ating ekonomiya at sa budget ng mga kabahayan.

Kaya lamang kapanalig, kahit gaano kalaki pa ang padala ng mga OFWs, marami pa ring mga Filipino ang mahirap. Sa katunayan, nasa 18.1% ang poverty incidence sa ating bayan. Milyon milyon pa rin ang mahirap kahit bilyon pa ang padala ng mga bagong bayani.

Hindi sapat kapanalig, ang magpadala ng magpadala ng mga manggagawang Filipino sa ibang bansa para lamang umusad ang buhay ng mga naiwan dito sa ating bayan. Kailangan din na maisa-ayos natin ang sitwasyon ng ating mga lokal na manggagawa upang mas maging stable o matatag ang kanilang trabaho dito at magkaroon pa sila ng mas maraming oportunidad para sa kanilang career advancement.

Kailangan natin maisaayos ang business environment sa ating bansa upang mas kayanin ng mga negosyante na makapag-expand at makalikha ng trabaho para sa maraming mga Filipino. Kailangan din nating buhayin ang entrepreneurial spirit ng ating mga kababayan upang mas marami ang makapagsimula ng mga negosyo upang maging buhay na buhay ang ating merkado.

Mas mura at mas madali para sa lokal at nasyonal na pamahalaan ang mag-export ng tao kaysa mamuhunan para sa kagalingan ng mamamayan. Mas matagal ang balik ng kita, ika nga. Pero kapanalig, kailangan nating gawing mas sustainable ang income ng mga mamamayan, at hindi natin maiasasa ito sa remittances ng mga OFWs. Bitin ito, marami na ring kumpetisyon, at hirap na hirap na rin ang marami sa kanila kakayod para sa maliit din naman na sahod.

Sana naman, mapansin ng pamahalaan ang problemang ito. Sabi nga sa Pacem in Terris: The government should make similarly effective efforts to see that those who are able to work can find employment in keeping with their aptitudes, and that each worker receives a wage in keeping with the laws of justice and equity.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 24,419 total views

 24,419 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 74,433 total views

 74,433 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 70,302 total views

 70,302 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 106,070 total views

 106,070 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 113,310 total views

 113,310 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Papalayô sa tunay na demokrasya

 24,420 total views

 24,420 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 74,434 total views

 74,434 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 70,303 total views

 70,303 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 106,071 total views

 106,071 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »
Scroll to Top