Mamamayan, hinimok na suportahan ang Fast2Feed campaign ng Pondo ng Pinoy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 118,155 total reads

17 taon na ang Diocese of Antipolo na nagsasagawa ng feeding program sa iba’t ibang parokya na nasasakupan ng lalawigan ng Rizal at lungsod ng Marikina.

Ito ang ibinahagi ni Ms. Mona Valencia ng Social Action Center ng Diocese of Antipolo sa pagpapatuloy ng kanilang programa para sa bata na kulang sa timbang at mga nanay na nagpapasuso.

Ipinagmalaki ni Valencia na umaabot sa 1,600 na mga kabataan at mga nanay ang kanilang nasuportahan ng masustansiyang pagkain sa loob ng nakalipas na anim na buwan.

“17 years na namin itong ginagawa. Since 2006, kaya ito ay isang konkretong programa na ini-aalok namin sa mga Parokya. kumbaga ay subok na natin. Kabisado na natin yung takbo at ang nakakatuwa nito, nakikita natin yung suporta ng mga Pari. Lalong lalo na ngayong panahon ng mahal na araw.” pahayag ni Valencia sa panayam ng programang Caritas in Action sa Radyo Veritas.

Hinikayat ni Valencia ang mga mananampalataya na suportahan ang Fast2Feed Campaign ng Pondo ng Pinoy ngayong panahon ng kuwaresma upang lalo pang mapagtibay ang nasabing programa ng Simbahan na tinatawag na HapagAsa.

layunin ng Fast2Feed na makalikom ng pondo mula sa mga natitipid ng mga mananampalataya mula sa pag-aayuno sa apatnapung-araw ng kuwaresma.

“Sa ngayon, talagang pino-promote natin yung Fast 2 Feed dahil nga ngayon ay mahal na araw. Ito yung pagkakataon na pagbibigay suporta sa ating programa”dagdag pa ni Valencia, ang lay Coordinator ng HapagAsa Program sa Diocese of Antipolo.

Naunang hinikayat ng Simbahang Katolika ang mga Katoliko na ang kanilang mga maiipon mula sa pag-aayuno o pagliban ng isang kain sa isang araw ay ibahagi para sa mga nagugutom sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga programa tulad ng HapagAsa.

Maliban sa Diyosesis ng Antipolo ay aktibo rin sa pagpapatupad ng kahalintulad na programa ang iba’t-ibang Diyosesis sa Metro Manila at maging sa mga probinsya sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 13,225 total reads

 13,225 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 94,430 total reads

 94,430 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 188,655 total reads

 188,655 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 249,145 total reads

 249,145 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 262,379 total reads

 262,379 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 99,768 total reads

 99,768 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top