Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapabayaang mahihirap ang nagbabayad

SHARE THE TRUTH

 330 total views

Mga Kapanalig, mula nang mangyari ang oil spill mula sa lumubog na oil tanker sa Oriental Mindoro noong ika-28 ng Pebrero 28, daan-daang barangay na sa Oriental Mindoro, Palawan, at Antique ang naapektuhan. Tinatayang nasa 30,000 pamilya mula sa mahigit isandaang barangay sa mga baybay-dagat ng MIMAROPA at Region VI ang apektado sa insidenteng ito. Maitim at makapal na langis sa karagatan at dalampasigan ng maraming bayan sa Oriental Mindoro na matiyagang nililinis ng mga residente at volunteers. Matagal na ring nagtitiis ang mga residente sa napakasangsang na amoy ng langis. Mahigit isandaang katao na ang nakaranas ng hirap sa paghinga, pagkahilo, pananakit ng tiyan at ng ulo, at pagsusuka. 

Ayon pa sa mga eksperto, malaki ang posibilidad na umabot ang nakalalasong langis papunta sa Verde Island Passage (o VIP) dahil sa pagbabago ng direksyon ng hangin. Tinaguriang “center of the center of marine biodiversity in the world” ang VIP dahil doon nananahan at nagpaparami ang iba’t ibang uri ng isda at lamang-dagat. Doon din matatagpuan ang iba pang marine organisms, corals, at seagrass. Kaya’t napakalaking banta sa yamang-dagat ng naturang lugar ang kumakalat na langis. Asahan nating lubos na maaapektuhan ang kabuhayan ng libu-libong mangingisda na hindi makapalaot.  Dahil sa malawakang fish kill at pagkaunti ng nahuhuling isda, kailangang paghandaan ng pamahalaan ang epekto ng oil spill sa buhay at hanapbuhay ng mga mangingisda.  

Napag-alamang walang “authority to operate” ang MT Princess Empress na maghahatid sana ng tumapong langis. Sa imbestigasyon ng Maritime Industry Authority (o MARINA), lumabas na walang Certificate of Public Convenience (o CPC) ang oil tanker at hindi ito dapat pinayagang maglayag. Ayon pa sa MARINA, siyam na beses pang lumayag ang oil tanker nang walang permit bago pa man ang nangyaring oil spill. Dahil sa kawalan ng permit, malabong makuha ng kumpanya ang insurance na gagamiting kompensasyon sa libu-libong apektadong residente.

Nakadidismaya ang kawalan ng sapat na tulong mula sa kumpanya para sa mangingisda at iba pang pamilyang naapektuhan ng pagkawala ng kabuhayan dahil sa oil spill. Idinadaing ngayon ng mga residente ang kakulangan at kawalan ng tulong gayong hindi nila kasalanang nawalan sila ng ikabubuhay. Bagamat may nag-aabot sa kanila ng tulong pinansiyal at pagkain, hindi ito ang pangmatagalang solusyon. Wala pa ring konkretong plano ang gobyerno upang protektahan ang mga apektadong komunidad at panagutin ang mga kumpanyang responsable sa nangyaring sakuna.  

Ayon nga sa ensiklikal ni Pope Francis na Laudato Si’, nangangailangan ng malayong pagtanaw ang pangangalaga sa kalikasan dahil walang tunay na pagmamalasakit sa kalikasan ang sinumang naghahanap lamang ng mabilis at madaling kita. Tunay na malaki ang kapalit ng mga pagkasirang dulot ng pagiging makasarili. Ang pagkasira ng biodiversity sa karagatang balot ngayon ng langis ay hindi matutumbasan ng kahit anong halaga ng pera. Kaya naman, wala nang panahon para manahimik at manatiling pikit-mata sa mga kawalang-katarungan at paglalapastangan ng mga pabayáng kumpanya.  

Ang susunod na henerasyon ang magbabayad ng bunga ng pagkasira ng ating kalikasan. Kailangang tiyakin ng pamahalaan ang kalagayan at kalusugan ng mga naapektuhan nating kababayan at ang pagpapanumbalik ng nasirang karagatan at pangisdaan. Gaya ng paalala sa Lucas 12:48, “ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng marami; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin ng lalong marami.” Sa lawak ng pinsalang iniwan ng oil spill, malaki ang inaasahan nating pagtugon sa pamahalaan. 

Mga Kapanalig, nakalulungkot na walang kinalaman o walang kasalanan ang mga residente sa nangyaring oil spill ngunit sila ang magdadala ng kalbaryo bunga ng pagpapabaya ng malalaking kompanya at pamahalaan. Sana’y kumilos nang mabilis ang gobyerno upang gumaan naman ang hirap na nararanasan—at mararanasan pa—ng mga labis na naperwisyo. 

Sumainyo ang katotohanan.   

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,762 total views

 28,762 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 36,862 total views

 36,862 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 54,829 total views

 54,829 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 83,862 total views

 83,862 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 104,439 total views

 104,439 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,763 total views

 28,763 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 36,863 total views

 36,863 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 54,830 total views

 54,830 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 83,863 total views

 83,863 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 104,440 total views

 104,440 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 86,805 total views

 86,805 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,586 total views

 97,586 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,642 total views

 108,642 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,504 total views

 72,504 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 60,933 total views

 60,933 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 61,155 total views

 61,155 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 53,857 total views

 53,857 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 89,402 total views

 89,402 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 98,278 total views

 98,278 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 109,356 total views

 109,356 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top