LCP Chaplaincy, umaasang mawawala na ang pagiging outcast ng mga may sakit na TB

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,049 total reads

Dalangin ng Lung Center of the Philippines Chaplaincy na makamtan ng mga may sakit na Tuberculosis (TB) ang ganap na kagalingan at pagtanggap ng lipunan.

Ayon kay LCP Chaplain Fr. Almar Roman, MI, sapagkat sa matagal na panahon ay higit na nararanasan ng mga may TB ang pangilagan dahil sa nakahahawang epekto ng karamdaman.

Sinabi ni Fr. Roman na mahalagang madama ng mga pasyente na sila’y pinaglalaanan ng pansin at panahon nang sa gayo’y magkaroon ng pag-asa sa kabila ng pinagdaraanang pagsubok.

“Kung titingnan natin noong araw, hindi ganoong kadali kapag sinabing may TB. They also feel outcast in the society–nilalayuan nasasaktan din ‘yung damdamin at emosyon nila. Pero ngayon, tayo sa healthcare world at tsaka sa simbahan, niyayakap natin ang mga may karamdamang ito,” pahayag ni Fr. Roman sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ng pari na ang pagmamalasakit ng tao sa mga may karamdaman ang nagbubunsod upang mas madiskubre ang mga paraan at lunas na makakatulong para sa kanilang agarang paggaling.

“Kaya nga siguro nag-e-evolve ‘yung medicine at sistema ng healthcare kasi may mga taong naglalaan ng oras, nag-aaruga, naglalaan ng pagkakataon upang pag-aralan ‘yung mga gamot. Tsaka ngayon, hindi na ganong nilalayuan ang mga may sakit na ganito kumpara noon na kapag may TB ka, i-isolate ka, parang ‘yung COVID pandemic na sistema. Ngayon kahit may TB ka, nagagamot na agad,” ayon kay Fr. Roman.

Samantala, iginiit naman ni LCP TB-DOTS Nurse Mark Anthony Habal na ang paraan upang malunasan ang Tuberculosis ay ang patuloy na gamutan.

Paliwanag ni Habal na ang TB ay maaaring magamot sa pamamagitan ng hindi bababa sa anim na buwang tuloy-tuloy na gamutan upang hindi humantong sa pagiging drug resistant dahil maaaring tumagal ang gamutan hanggang 24-buwan o humantong sa pagkasawi.

“Usually kasi, kapag nakaramdam na ng ginhawa, ang iniisip nila ay okay na sila. Imbes na six months silang naggagamot dahil akala nila okay na sila, tinitigil nila ‘yung gamot. Ang nangyayari, ‘yung mga bacteria na natira sa katawan, nagmu-mutate po ‘yun so nagde-develop sila ng resistance sa antibiotics,” ayon kay Habal.

Nilinaw ng medical worker na naipapasa ang TB kapag nalanghap ang mikrobyo mula sa hanging galing sa ubo o bahing ng taong mayroon nito, taliwas sa paniniwalang maaaring namamana o napapasa ang sakit sa pamamagitan ng mga gamit ng apektado ng karamdaman.

Paalala naman ni Habal sa publiko na sikaping magkaroon ng maayos na lifestyle upang maiwasan ang posibilidad na magkaroon ng mga malalang karamdaman tulad ng TB.

Tema ng World TB Day ngayong taon ang “Yes, We can end TB!”, na ginugunita tuwing ika-24 ng Marso bilang pag-aalala sa pagkakatuklas ni Dr. Robert Koch sa Mycobacterium tuberculosis na nakakaapekto sa baga, gayundin sa ibang bahagi ng katawan tulad ng buto, utak, bato, at atay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 6,232 total reads

 6,232 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 113,029 total reads

 113,029 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 199,142 total reads

 199,142 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 269,275 total reads

 269,275 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 302,655 total reads

 302,655 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 161,543 total reads

 161,543 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top