Mananampalataya, hinimok ng Obispo ng Imus na dumalo sa pisikal na pagdiriwang sa mga simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,467 total views

Hinimok ng Diyosesis ng Imus ang mga mananampalataya na bumalik na sa pisikal na pagdalo sa mga banal na pagdiriwang.

Sa liham-sirkular ni Bishop Reynaldo Evangelista, binawi na ng Obispo ang dikreto na nagpapahintulot na hindi pisikal na dumalo sa mga Banal na pagdiriwang tuwing Linggo sa kasagsagan ng coronavirus pandemic.

Ang nasabing dikreto ay ipinatupad noong Hulyo 8, 2020 kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, at opisyal namang magtatapos sa Abril 02, 2023.

“For this reason, the faithful are enjoined to be physically present and actively participate in all Sunday Eucharistic Celebrations, while still observing minimum health protocols,” bahagi ng liham-sirkular ni Bishop Evangelista.

Alinsunod ito sa naunang panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na pisikal nang dumalo sa mga Misa tuwing Linggo kasunod ng pagbuti ng kalagayan ng bansa mula sa pandemya.

“As we all journey together in faith, may our desire to receive the Lord Jesus, who is wholly and truly present in the Sacrament of the Eucharist, lead us constantly to a life of holiness and charity,” ayon sa pahayag.

Patuloy namang hinihikayat ng simbahan ang bawat isa na sundin ang minimum public health standard tulad ng pagsusuot ng facemask, at ang pagtangkilik sa COVID-19 vaccines bilang karagdagang proteksyon laban sa virus.

Magugunitang naging epektibong paraan ang social media para maipalaganap sa pamamagitan ng online livestreaming ang mga Banal na Misa upang mapanatiling ligtas sa virus ang mga mananampalataya habang nasa loob ng mga tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 50,531 total views

 50,531 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 83,613 total views

 83,613 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 111,964 total views

 111,964 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 179,696 total views

 179,696 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 199,315 total views

 199,315 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top