Inter-religious dialogue, paiigtingin ng Simbahang katolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,181 total views

Tiniyak ng simbahang katolika ang pagpapaigting sa ugnayan ng pamayanan sa kabila ng pagkakaiba ng tradisyon at pananampalataya.

Ito ang mensahe ng Dicastery for Interreligious Dialogue ng Vatican sa mga Muslim sa paggunita ng Ramadan.

Batid ni Cardinal Miguel Ángel Ayuso Guixot ang prefect ng tanggapan na maraming hadlang sa pagkakamit ng kapayapaan sa lipunan tulad ng extremism, radicalism, at mga religiously motivated violence na pinalala ng culture of hate.

“We need, then, to find the most appropriate ways of countering and overcoming such a culture, enhancing instead, enhancing love and friendship, in particular between Muslims and Christians, due to the bonds that unite us,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Guixot.

Inihayag ng opisyal na mahalagang pagbutihin ang pakikitungo sa kapwa sapagkat dito magsisimula ang magandang ugnayan sa pamayanan.

Dismayado ang cardinal sa maling paggamit ng social media na sa halip itaguyod ang mabuting pakikipag-ugnayan at komunikasyon ay naging daan sa hindi pagkakaunawaan dahil sa hindi wastong asal na paggamit ng teknolohiya.

Kabilang dito ang diskriminasyon, pang-uusig, kompetisyon gayundin ang pambabanta sa kapwa.

“We cannot prevent and counter the culture of hatred and, instead promote a culture of love and friendship, without a sound education for future generations in all the spaces where they are formed: in the family, at school, in places of worship, and on social media,” ani ng cardinal.

Nagsimula ang Ramadan nitong March 23 at magtatapos sa pagdiriwang ng Eid al-Fitr hudyat ng pagtatapos sa isang buwang pag-aayuno ng mga Muslim.

Una nang isinusulong ng Santo Papa Francisco ang pakikipagdiyalogo sa pagitan ng mga komunidad upang maabot ang pagbubuklod ng mamamayan tungo sa mapayapang lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 51,515 total views

 51,515 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 84,597 total views

 84,597 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 112,948 total views

 112,948 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 180,680 total views

 180,680 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 200,244 total views

 200,244 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top