Bishop Famadico, humiling ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,891 total views

Hinihiling ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico ang panalangin para sa kanyang agarang paggaling mula sa iniindang karamdaman.
Ibinahagi ng Obispo sa kanyang mensahe para sa Misa ng Krisma ng diyosesis na siya ngayon ay naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center upang magpagamot dahil sa kakapusan sa paghinga.

Ayon kay Bishop Famadico, obispo pa lamang siya ng Diyosesis ng Gumaca ay iniinda na niya ang hirap sa paghinga ngunit naaagapan din naman agad ito.
Gayunman, mas lumala ang epekto nito ngayon kaya pinili na ng obispo na magpadala sa ospital.

“Ako ngayon ay narito sa Cardinal Santos Hospital. Kinakapos ako sa aking paghinga. Ito ay matagal ko nang nararamdaman, kahit noong ako ay nasa Gumaca pa pero hindi naman nagtatagal at nawawala nang kusa. Pero ngayon ay lalo kong nararamdaman. Ipagdasal ninyo na sana ay gumaling kaagad ako para makauwi d’yan.” pahayag ni Bishop Famadico.

Samantala, pinangunahan naman ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang pagdiriwang ng Chrism Mass ng Diyosesis ng San Pablo bilang kahalili ni Bishop Famadico.

Nagpapasalamat si Bishop Famadico kay Bishop Vergara sa pagpapaunlak na pamunuan ang dakilang okasyon para sa pagsasariwa ng pangako ng mga pari.
Hiling naman ng Obispo sa mga pari na nawa ang pagsasariwa ng pangako bilang alagad ni Kristo ay maging daan upang mapaigting ang pagkakapatiran at espiritwalidad ng bawat isa.

“Ipagdiwang natin ang okasyong ito at magpasalamat tayo sa Diyos. Nawa’y maging daan ito upang lalo pang lumalim ang ating pagkakapatiran bilang mga kapwa anak ng Diyos at madama ang kanyang paghahari dito sa lupa kahit ngayon pa lamang.” ayon kay Bishop Famadico.

Si Bishop Famadico ang ikaapat na obispo ng Diyosesis ng San Pablo makaraang italaga ni Pope Benedict XVI noong Enero 25, 2013, at kasalukuyang miyembro ng CBCP-Episcopal Commission on Clergy at ng Office for the Protection of Minors and Vulnerable Persons.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suriin ang panawagan ng protesta

 15,247 total views

 15,247 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 110,305 total views

 110,305 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 132,368 total views

 132,368 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 147,711 total views

 147,711 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 152,751 total views

 152,751 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top