Traslacion roadmap, inilunsad ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

 3,618 total views

Inilunsad ng Archdiocese of Manila ang Traslacion Roadmap na magiging gabay sa patuloy na paglilingkod sa kristiyanong pamayanan.

Sa ginanap na Chrism Mass ng arkidiyosesis sa Manila Cathedral nitong Huwebes Santo binigyang diin ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang reporma sa simbahan alinsunod sa panawagang synodality ng Santo Papa Francisco.

Ipinaliwanag ng Cardinal na ang Traslacion Roadmap ang tutulong sa bawat lingkod ng arkidiyosesis upang higit maisakatuparan ang misyon sa kristiyanong pamayanan.

“Sa araw na ito inilulunsad natin ang ‘Traslacion RCAM Roadmap’ ito ang mapang gagabay sa ating paglalakbay sa mga susunod na taon. Ito ay ang mga konkretong layunin at gawain para tulungan tayo sa mabuti at maayos na pamamahala at paglilingkod.” mensahe ni Cardinal Advincula.

Ayon kay EDSA Shrine Rector at RCAM Public Affairs Ministry Commissioner Fr. Jerome Secillano, ang roadmap na binanggit ng cardinal ay naglalayong tulungan ang simbahan ng Maynila sa mga pagbabagong gagawin upang maisaayos at mapabuti ang paglilingkod sa mahigit tatlong milyong mananampalataya.

“We have to go back to the initial message na ang buod talaga ay renewal ng simbahan, itong roadmap ay ginawa para sa pagkakaroon ng reform o renewal ang Archdiocese of Manila.” pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Sinabi ni Cardinal Advincula na ipaliliwanag sa mga susunod na araw sa mga parokya ang mga hakbang na gagawin para sa reporma ng simbahan batay na rin sa naging resulta ng isinagawang pakikipagpulong sa pamayanan sa ginanap na synod on synodality.

Iginiit ng arsobispo na palalawakin ang pakikinig at pakikipag-ugnayan sa nasasakupan bilang pagsasabuhay sa synodal church.

“We must not only engage in conversations. But also in conversions of structures and systems of policies and strategies to be suitably channeled for the evangelization of today’s world. Listening is just the beginning, walking together, and working together for a better future of the church,” ani Cardinal Advincula.

Hinimok ni Cardinal Advincula ang bawat isa na makilakbay tungo sa mga pagbabagong gagawin para sa kabutihan ng sambayanan ng RCAM na binubuo ng mga lunsod ng Manila, Mandaluyong, Makati, Pasay, at San Juan.

“I invite everyone to participate and walk with our Mahal na Poong Hesus Nazareno the focal image of the church in Manila in his ‘Traslacion’ to the different cities of our archdiocese. Let us allow Him to renew our parishes, school, ministries, and apostolates. Let the ‘Traslacion’ R-Cam roadmap help us to translate our ‘salamat’ and ‘sana’ into concrete actions and strategic directions,” giit ng cardinal.

Kasabay ng Chrism Mass ang renewal of vows ng mga pari ng arkidiyosesis gayundin ang pagbabasbas sa mga langis na ginagamit sa mga sakramento ng simbahan.

Kinilala rin ng RCAM ang mga paring naglingkod ng 25 taon, 50 taon at maging ang mga nagpatuloy sa misyon ng mahigit sa anim na dekada ng kanilang bokasyon sa pagiging pari.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Financial Inclusion

 14,173 total views

 14,173 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »

Benepisyo ng Digital Technology

 18,418 total views

 18,418 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »

Alin ang mas matimbang?

 25,333 total views

 25,333 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »

Kultura ng pagpapanagot

 40,711 total views

 40,711 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 53,135 total views

 53,135 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mga bagong katungkulan sa Archdiocese of Manila, isinapubliko

 3,753 total views

 3,753 total views Itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Arcbishop Jose Cardinal Advincula ang ilang pari sa kanilang bagong katungkulan sa mga parokya, mission stations at institusyon ng Archdiocese of Manila. Kabilang sa mga nagkaroon ng pagbabago ang pamunuan ng San Carlos Seminary kung saan itinalagang Rector si Fr. Rolando Garcia Jr. habang Vice Rector, Procurator at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakahirang sa ika-5 Pilipinong Obispo sa US, ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro

 4,307 total views

 4,307 total views Ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro ang pagtalaga ng Papa Francisco kay Filipino priest Fr. Reynaldo Bersabal bilang Auxiliary bishop ng Diocese of Sacramento. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, ito ay palatandaang patuloy ang paglago ng kristiyanismo sa Pilipinas sapagkat nakapagbahagi ng mga misyonerong Pilipino sa ibayong dagat. “We praise and thank

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mga kabataan, inaanyayahang tuklasin ang bokasyon

 4,416 total views

 4,416 total views Umaasa si Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias na maging bukas ang mga kabataang pagnilayan ang bokasyon at tumugon sa tawag ng Panginoong maglingkod sa kawan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng pandaigdigang panalangin para sa bokasyon kasabay ng Linggo ng Mabuting Pastol. Ayon sa Obispo, nawa’y pakinggan ng mga kabataan ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

4-libong kabataan, lalahok sa national vocation festival

 8,018 total views

 8,018 total views Iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga diyosesis sa basna ang pagtataguyod sa bokasyon ng mga kabataan. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Vocations Executive Secretary Fr. Randy de Jesus, dapat magkaroon ng ‘kultura ng bokasyon’ ang simbahan sa Pilipinas upang magabayan ang mga kabataang nais maglingkod sa kawan ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Katarungan para sa pinaslang na babae sa Bohol, panawagan ng obispo

 9,318 total views

 9,318 total views Mariing kinundena ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang karumal-dumal na pagpaslang kay Roselyn Gaoiran ng Tubigon Bohol. Hinimok ni Bishop Uy ang mga awtoridad na magsagawa ng malawakang imbestigasyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng krimen. “We urge the authorities to promptly initiate a thorough investigation to ensure that the perpetrator(s) are

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Iwasan ang malawakang military conflict sa Middle East,panawagan ni Pope Francis

 9,730 total views

 9,730 total views Umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco na iwasan ang anumang hakbang na magpapalala sa karahasang nangyayari sa pagitan ng Israel at Hamas militant sa Middle East. Ito ang panawagan ni Pope Francis kasunod ng pag-atake ng Iran sa Israel na magdudulot ng lalong pagkasira sa magkatunggaling bansa at higit na makakaapekto sa mga mamamayan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Dayalogo para sa kapayapaan, hangad ng Santo Papa

 15,506 total views

 15,506 total views Umaasa ang Kanyang Kabanalan Francisco na maliwanagan ang kaisipan ng mga taong nagsusulong ng karahasan para sa pagkakasundo at kapayapaan. Ayon kay Pope Francis, nawa’y sa liwanag na hatid ni Hesus na muling nabuhay ay mapaigting ang mga hakbang ng dayalogo sa magkakatunggaling mga bansa at manaig sa mundo ang kapayapaang hatid ni

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, pinag-iingat ng AOC sa mga nagpapanggap na pari ng Roman Catholic

 18,215 total views

 18,215 total views Pinaalalahanan ng Archdiocese of Manila – Office of Communications (AOC)ang mamamayan lalo na ang mga tanggapan at institusyon na nagdiriwang ng Banal na Misa sa labas ng mga simbahan na mag-ingat sa mga indibidwal na nagpapanggap na pari ng Roman Catholic. Nababahala si National Shrine of the Sacred Heart Team Ministry Member, AOC

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Paglapastangan sa parokya sa Binalbagan, Negros Occidental; Bishop Galbines, pansamantalang ipinasara ang simbahan

 19,259 total views

 19,259 total views Pansamantalang isinara sa publiko ang San Isidro Labrador Parish Church sa Binalbagan, Negros Occidental dahil sa insidente ng paglapastangan sa mga sagradong bagay ng simbahan. Ayon kay Kabankalan Bishop Louie Galbines, ang paglapastangan sa altar at sa mga bagay na binibigyang pagpapahalaga at paggalang ng simbahan kaya’t kinakailangan ang pagsasagawa ng pagbabayad-puri tungo

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkasawi ng mga naghahatid ng tulong sa digmaan sa Gaza, ikinababahala ng Santo Papa

 19,440 total views

 19,440 total views Ikinalungkot ng Kanyang Kabanalan Francisco ang nagpapatuloy na karahasang nangyayari sa Gaza Strip lalo na ang pagkakapaslang sa mga taong tumutulong sa mga inosenteng sibilyan. Dalangin ni Pope Francis ang katatagan ng mga pamilyang naiwan ng mga biktima ng karahasan at muling umapela sa kinauukulan na pahintulutan ang humanitarian aid para sa kapakinabangan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pray for Taiwan, paanyaya ng Obispo sa mga Pilipino

 20,724 total views

 20,724 total views Ipinapanalangin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kaligtasan ng mamamayan ng Taiwan kasunod ng 7.2 magnitude na lindol nitong April 3. Tiniyak ni CBCP-Episcopal Commission on Migrants’ and Itinerant People Vice Chairman, Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pakikiisa mga biktima ng lindol lalo na sa mahigit 100-libong Filipino migrants sa lugar.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Faith tourism, palalakasin ng Diocese of Legazpi

 20,133 total views

 20,133 total views Palalawakin ng Diocese of Legazpi ang faith tourism sa lalawigan ng Albay sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan. Ito ang tiniyak ni Bishop Joel Baylon sa nalalapit na pagdiriwang ng Magayon Festival kasabay ng pagpaparangal sa Mahal na Biheng Maria o Inang Magayon bilang babaeng puspos ng biyaya at pagpapala ‘Tota pulchra es,

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Nakibahagi sa alay lakad, pinuri ng Obispo ng Diocese of Antipolo

 22,193 total views

 22,193 total views Pinuri at pinasalamatan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang libu-libong mananampalatayang nakiisa sa Alay Lakad patungong International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral noong Huwebes Santo, March 28. Ikinatuwa ng obispo ang pagiging masigasig ng mga perigrino na nag-alay ng mga barya sa dambana kung saan bukod

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Paglilingkod at pagmimisyon, palalakasin ng Radio Veritas 846

 26,720 total views

 26,720 total views Tiniyak ng pamunuan ng Radio Veritas 846 ang pagpapalakas ng himpilan sa paglilingkod at pagmimisyon. Ito ang mensahe ni Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual sa pagdiriwang ng ika – 55 taong anibersaryo ng pagkatatag ng himpilang nakatalaga sa pagmimisyon ng simbahan. Sinabi ng pari na sa pagbabago ng panahon tulad ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Station of the cross maaring gawin sa Lenten exhibit ng Radio Veritas

 26,800 total views

 26,800 total views Patuloy na inaanyayahan ng Radio Veritas 846 ang mananampalataya na bisitahin ang isinasagawang Holy Week exhibit sa Entertainment Center ng Fisher Mall Quezon Avenue sa Quezon City. Magkatuwang ang himpilan at establisimiyento sa paglilingkod sa kristiyanong pamayanan ngayong mga Mahal na Araw lalo na sa spiritual pilgrimage ng mamamayan. Itinatampok sa exhibit ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top