Bishop Famadico, humiling ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,980 total reads

Hinihiling ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico ang panalangin para sa kanyang agarang paggaling mula sa iniindang karamdaman.
Ibinahagi ng Obispo sa kanyang mensahe para sa Misa ng Krisma ng diyosesis na siya ngayon ay naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center upang magpagamot dahil sa kakapusan sa paghinga.

Ayon kay Bishop Famadico, obispo pa lamang siya ng Diyosesis ng Gumaca ay iniinda na niya ang hirap sa paghinga ngunit naaagapan din naman agad ito.
Gayunman, mas lumala ang epekto nito ngayon kaya pinili na ng obispo na magpadala sa ospital.

“Ako ngayon ay narito sa Cardinal Santos Hospital. Kinakapos ako sa aking paghinga. Ito ay matagal ko nang nararamdaman, kahit noong ako ay nasa Gumaca pa pero hindi naman nagtatagal at nawawala nang kusa. Pero ngayon ay lalo kong nararamdaman. Ipagdasal ninyo na sana ay gumaling kaagad ako para makauwi d’yan.” pahayag ni Bishop Famadico.

Samantala, pinangunahan naman ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang pagdiriwang ng Chrism Mass ng Diyosesis ng San Pablo bilang kahalili ni Bishop Famadico.

Nagpapasalamat si Bishop Famadico kay Bishop Vergara sa pagpapaunlak na pamunuan ang dakilang okasyon para sa pagsasariwa ng pangako ng mga pari.
Hiling naman ng Obispo sa mga pari na nawa ang pagsasariwa ng pangako bilang alagad ni Kristo ay maging daan upang mapaigting ang pagkakapatiran at espiritwalidad ng bawat isa.

“Ipagdiwang natin ang okasyong ito at magpasalamat tayo sa Diyos. Nawa’y maging daan ito upang lalo pang lumalim ang ating pagkakapatiran bilang mga kapwa anak ng Diyos at madama ang kanyang paghahari dito sa lupa kahit ngayon pa lamang.” ayon kay Bishop Famadico.

Si Bishop Famadico ang ikaapat na obispo ng Diyosesis ng San Pablo makaraang italaga ni Pope Benedict XVI noong Enero 25, 2013, at kasalukuyang miyembro ng CBCP-Episcopal Commission on Clergy at ng Office for the Protection of Minors and Vulnerable Persons.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 6,306 total reads

 6,306 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 113,095 total reads

 113,095 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 199,208 total reads

 199,208 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 269,341 total reads

 269,341 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 302,715 total reads

 302,715 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 161,544 total reads

 161,544 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top