Labanan ang kasamaan, hamon ng opisyal ng simbahan sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,770 total views

Umaasa ang pinunong pastol ng Archdiocese of Cebu na mas mapaigting ang pagmimisyon ng simbahan sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus.

Dalangin ni Archbishop Jose Palma sa Pasko ng Muling Pagkabuhay na mabanaagan ng bawat isa ang pag-asa at mapawi ang anumang pangamba sa buhay.

Tiwala ang Arsobispo na magdulot ng pagpanibago sa buhay ng mananampalataya ang pagtatagumpay ni Hesus gayundin sa buong simbahang naglalakbay.

“Dalangin ko na sa panahong ito ng Muling Pagkabuhay ni Hesus kasama ang biyaya ng bagong buhay makamit natin ang rebirth o renewal ng ating simbahan sa Cebu sa tulong at gabay ng Espiritu Santo.” ani Archbishop Palma.

Hinimok naman ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mamamayan na huwag pangambahan ang anumang uri ng kasamaan sa lipunan bagkus ay higit na manalig kay Hesus na buong kababaang loob inialay ang buhay para sa katubusan ng tao.

Paliwanag ni Bishop Pabillo na dapat tingnan ng tao ang pinagdaanan ni Hesus na nagpakasakit, nakaranas ng kasamaan ng tao at hinatulan ng kamatayan dahil sa kanyang paghahayag ng paghahari ng Diyos Ama subalit hindi alintana ang mga panganib sa buhay upang matubos ang tao sa kasalanan.

Aniya, mapagtatagumpayan ng tao ang mga karanasan kung manatiling kumakapit kay Hesus na nagbibigay buhay at liwanag sa sanlibutan.

“Manalig tayo. Ang kapangyarihan ng muling pagkabuhay ay kumikilos sa mundo at sa buhay natin. Lumapit tayo kay Jesus. Kumapit tayo sa kanya. Tularan natin siya. Tanggapin natin siya sa ating buhay. Alam niya ang ating kalagayan bilang tao at napagtagumpayan niya ang kasamaan.” bahagi ng mensahe ni Bishop Pabillo.

Samantala pinaiigting ng simbahan sa buong mundo ang pagpapanibago tungo sa mas malagong pananampalataya alinsunod sa synod on synodality ng Santo Papa Francisco na layong pakinggan ang bawat sektor ng lipunan at higit mapalawig ang pagmimisyong kalingain ang pangangailangan ng sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 57,375 total views

 57,375 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 85,380 total views

 85,380 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 103,180 total views

 103,180 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 100,755 total views

 100,755 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 208,907 total views

 208,907 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top