Pakinggan ang tinig ng mananampalataya, hamon ni Cardinal Advincula sa bagong rector ng Manila cathedral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,655 total reads

Ito ang pagninilay ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa banal na Misa para sa pagtatalaga kay Msgr. Rolando dela Cruz bilang bagong rektor ng Minor Basilica of the Immaculate Concepcion o Manila Cathedral.

Ayon sa cardinal, ang paghirang kay Msgr. dela Cruz ay hindi lamang dahil sa kanyang kakayahan at husay sa pamamahala ng simbahan bagkus pagtugon sa panawagan ng Panginoon na higit pang ipalaganap ang pananampalatayang Kristiyano.

“You (Msgr. Dela Cruz) are here because it is the Lord who calls you to be here. And your mission here is not just to maintain this building or promote this cathedral as a center of tourism and culture. Your mission is to help our people recognize how the Lord works and is very present in their lives,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Sinabi ni Cardinal Advincula sa bagong rektor na kaakibat ng pagtugon sa misyon ay ang patuloy na pakikinig sa tinig ng mga mananampalataya na makakatulong upang mas magampanan ang tungkulin ng pagiging lingkod ni Kristo.

Hiling din ng kardinal na magsilbing paalala kay Msgr. Dela Cruz ang Manila Cathedral na simbolo ng katatagan sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok sa nakalipas na panahon katulad ng Panginoong Hesus na muling nabuhay. “They will help you see the Lord in your priesthood. They will also help you to see the Lord in your life. Let this Cathedral, with the number of times that this was destroyed and yet, rose again be a constant reminder that it is the Lord,” ayon sa kardinal.

Nagpapasalamat naman si Cardinal Advincula kina Fr. Marion Noel “Bong” Bayaras at Fr. Kali Pietre Llamado na nagsilbing parish administrator at attached priests ng Manila Cathedral sa loob apat na buwan.

Ginanap ang pagtatalaga kay Msgr. dela Cruz nitong Abril 14 sa Manila Cathedral na sinaksihan nina Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, at Novaliches Bishop-emeritus Antonio Tobias.

Si Msgr. dela Cruz ang kahalili ni Manila Archdiocesan Vicar General Fr. Reginald Malicdem na itinalagang chaplain ng Our Lady of Hope Mission Station ng Landmark at SM Chapels sa Makati City.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 32,963 total reads

 32,963 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 135,465 total reads

 135,465 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 220,834 total reads

 220,834 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 267,571 total reads

 267,571 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 315,443 total reads

 315,443 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 412,590 total reads

 412,590 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 172,966 total reads

 172,966 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top