Tularan si St.Therese of the Child Jesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,512 total views

Tularan ang pag-ibig at pananampalataya ni St. Therese of the Child Jesus.

Ito ang mensahe ni Lung Center of the Philippines Chaplain Fr. Almar Roman, MI sa ikalawang pagbisita ng pilgrim relics ni St. Therese sa ospital.

Ayon kay Fr. Roman, magsilbi nawang inspirasyon sa bawat isa ang naging buhay ng banal na buong pusong inialay alang-alang sa paglilingkod sa Panginoon.

Narito siya ngayon nagpapahayag ng pagmamahal, pananampalataya, at patuloy na pagyakap anumang mga pains and sufferings and sakit na nararanasan ng tao lalo na yung may mga sakit sa baga. Mayroong isang St. Therese na gagabay sa kanila, tutulong sa kanila in a little way upang maramdaman nila ang pagpapala’t pagmamahal ng Diyos,” pahayag ni Fr. Roman sa panayam ng Radio Veritas.

Paalala naman ng pari sa mga may karamdaman sa baga na huwag mawawalan nang pag-asa at sa halip ay patuloy na maging matatag sa kabila ng pinagdaraanan.

Sinabi ni Fr. Roman na alalahanin lamang si Sta. Teresita na bagamat sa edad na 24 ay nagkasakit ng Tuberculosis, hindi pa rin nito tinalikdan ang pananampalataya bagkus ay higit pang nagtiwala sa pagpapala ng Panginoon.

Kahit na may nararanasang hirap, pwede pa ring maglingkod sa Diyos. At gaya ni St. Therese, inialay niya ang kanyang sarili sa Diyos sa paglilingkod at hindi naging hadlang ang sakit niya,” ayon kay Fr. Roman.

Si St. Therese of Lisieux ang patron ng misyon at mga may sakit sa baga tulad ng Tuberculosis.

Ang pagbisita ng relikya ni Sta. Teresita ay bahagi ng 5th Philippine Visit of the Pilgrim Relics of St. Therese of the Child Jesus na may temang Lakbay Tayo, St. Therese! Kaalagad, Kaibigan, Ka-misyon na nagsimula noong Enero 02, 2023 at magtatapos sa Abril 30, 2023.

Ito ay sa inisyatibo ng Military Ordinariate of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 61,102 total views

 61,102 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 56,971 total views

 56,971 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 93,173 total views

 93,173 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 101,390 total views

 101,390 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 125,631 total views

 125,631 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top