San Isidro Labrador Parish sa Laguna tatanggap ng First class relic ng santo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,007 total views

Makatatanggap ng first class relic ni San Isidro Labrador ang San Isidro Labrador Parish sa Makiling Calamba Laguna.

Ayon kay Fr. Francis Eugene Fadul, kura paroko ng parokya mapalad ang dambana sapagkat isa ito sa pagkakalooban ng relic ng santo sa pagtatapos ng pagdiriwang sa 400th Anniversary ng canonization ni San Isidro Labrador.

Naniniwala si Fr. Fadul na makatutulong ang relikya sa higit na paglago ng pananampalataya at debosyon ng mamamayan sa lugar alinsunod sa mga halimbawa ni San Isidro.

“Relics as sacramental help in the growth of the Christian life…it is a reminder of the life and holiness of San Isidro that the faithful must emulate,” pahayag ni Fr. Fadul sa Radio Veritas.

Magandang pagkakataon din ang pagkakaloob ng relikya ng santo sapagkat naghahanda ang dambana sa ika – 25 anibersaryo ng pagkakatatag sa 2025 at isang karangalang mapili ang parokya na pagluluklukan ng ‘kapirasong balat ni San Isidro’ na magiging daan sa ugnayan sa lugar kung saan nakahimlay ang hindi naagnas na katawan nito sa Madrid Spain.

“It is an opportune time for the community to know more about its patron saint and learn how to fulfill God’s will through his example. Since the parish is among the few chosen to receive the relics, it is indeed an honor. It is the presence of the saint amid our community, and it will establish a spiritual tie between the Real Colegiata Iglesia de San Isidro and our parish,” ani Fr. Fadul.

Binuksan sa publiko ang incorrupt remains ni San Isidro noong May 22 hanggang 29 ng nakalipas na taon bilang pagdiriwang sa 400th Anniversary ng pagiging santo.

Bagamat patron ng mga magsasaka sinabi ni Fr. Fadul na si San Isidro rin ay isang huwarang haligi ng tahanang nagtaguyod sa kanyang pamilya na dapat tularan ng mamamayan.

“For us, San Isidro is not just a patron of the farmers. He is also a model father and husband. Since our community is no longer farmland because of the emergence of industrial parks and real estate development, our parish is shifting its focus to the family…Thus, the family of San Isidro is a perfect model of the holiness of Christian homes,” giit ng pari.

Kasalukuyang nasa Spain si Fr. Fadul sa paanyaya ni Madrid Archbishop Cardinal Carlos Osoro Sierra.

Namatay si San Isidro noong November 30, 1172 at naging ganap na santo ng simbahan noong March 12, 1622 kasama nina San Ignacio de Loyola, San Francisco Javier, Santa Teresa ng Avila at San Felipe Neri.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 29,810 total views

 29,810 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 57,815 total views

 57,815 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 75,615 total views

 75,615 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 74,445 total views

 74,445 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 184,693 total views

 184,693 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 9,803 total views

 9,803 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top