Magkapatid na mayroong cerebral palsy at stage 3 lymphoma, tinulungan ng Radio Veritas na mabigyan ng sakramento ng binyag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,968 total reads

Tinugunan ng Radio Veritas sa pamamagitan ng Caritas in Action ang panawagan ni Marilyn Casas na mabinyagan ang kanyang dalawang anak sa San Sebastian Parish, Pinagbuhatan, Pasig City.

Pinangunahan ni Fr. Felix Gutierrez ang paggawad ng Sakramento ng Binyag sa magkapatid na sina Shane at Chanice Ivy Mag-alasin na 11 at walong taong gulang.

Dalangin ni Fr. Gutierrez na ang dalawang bagong binyagan ay ganap na mabiyayaan at magabayan ng Espiritu-Santo, at madama ang kagalingang nagmumula sa Panginoong Hesus.

“Ang pagbibigay ng sakramento ay pagbibigay ng grasya ng Diyos. Sa bawat sakramento, itinuturing itong grasya na nagmumula kay Kristo at pagkakataon din ito para maibahagi doon sa lalong higit na nangangailangan. Hindi hadlang ang kahirapan, ang mga kapansanan para ito ay matanggap ng bawat isa. Patungkol din ito sa pagpupuri natin sa Panginoon na sa bawat mahihirap, bawat nangangailangan nito, si Kristo ang nakikita natin,” ayon kay Fr. Gutierrez sa panayam ng Radio Veritas.

Si Shane ay mayroong Stage 3 Lymphoma, Pneumonia seizure, at Acute gastritis; habang si Chanice Ivy naman ay mayroong Bacterial meningitis, Pneumonia, at Cerebral Palsy.

Nagpapasalamat naman si Casas sa pagkakataong magawaran ng Sakramento ng Binyag ang kanyang mga anak gayundin sa pagtulong ng simbahan na matugunan ang kanilang pangangailangan.

Magugunitang humingi ng tulong si Marilyn sa Caritas in Action para sa pagpapagamot ng dalawang bata, at nabanggit na hindi pa ito nabibinyagan dahil na rin sa kalagayan.

“Maraming salamat po sa mga tumulong sa amin para mapa-binyagan ang aming mga anak. Sana po ay marami pa kayong matulungang tulad namin at sana po ay patuloy pa kayong biyayaan ng Panginoon,” ayon kay Casas.

Ito ang unang beses na nagkaloob ng binyag ang Radio Veritas sa pakikipagtulungan ng San Sebastian Parish-Pinagbuhatan, Caritas Manila at Caritas Pasig.
Ang Sakramento ng Binyag ang unang sakramentong iginagawad ng simbahan sa mga sanggol upang pawiin ang kasalanang orihinal.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 12,159 total reads

 12,159 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 32,738 total reads

 32,738 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 99,562 total reads

 99,562 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 184,930 total reads

 184,930 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 231,664 total reads

 231,664 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 279,538 total reads

 279,538 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 378,479 total reads

 378,479 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 171,570 total reads

 171,570 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top