Magkapatid na mayroong cerebral palsy at stage 3 lymphoma, tinulungan ng Radio Veritas na mabigyan ng sakramento ng binyag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,780 total views

Tinugunan ng Radio Veritas sa pamamagitan ng Caritas in Action ang panawagan ni Marilyn Casas na mabinyagan ang kanyang dalawang anak sa San Sebastian Parish, Pinagbuhatan, Pasig City.

Pinangunahan ni Fr. Felix Gutierrez ang paggawad ng Sakramento ng Binyag sa magkapatid na sina Shane at Chanice Ivy Mag-alasin na 11 at walong taong gulang.

Dalangin ni Fr. Gutierrez na ang dalawang bagong binyagan ay ganap na mabiyayaan at magabayan ng Espiritu-Santo, at madama ang kagalingang nagmumula sa Panginoong Hesus.

“Ang pagbibigay ng sakramento ay pagbibigay ng grasya ng Diyos. Sa bawat sakramento, itinuturing itong grasya na nagmumula kay Kristo at pagkakataon din ito para maibahagi doon sa lalong higit na nangangailangan. Hindi hadlang ang kahirapan, ang mga kapansanan para ito ay matanggap ng bawat isa. Patungkol din ito sa pagpupuri natin sa Panginoon na sa bawat mahihirap, bawat nangangailangan nito, si Kristo ang nakikita natin,” ayon kay Fr. Gutierrez sa panayam ng Radio Veritas.

Si Shane ay mayroong Stage 3 Lymphoma, Pneumonia seizure, at Acute gastritis; habang si Chanice Ivy naman ay mayroong Bacterial meningitis, Pneumonia, at Cerebral Palsy.

Nagpapasalamat naman si Casas sa pagkakataong magawaran ng Sakramento ng Binyag ang kanyang mga anak gayundin sa pagtulong ng simbahan na matugunan ang kanilang pangangailangan.

Magugunitang humingi ng tulong si Marilyn sa Caritas in Action para sa pagpapagamot ng dalawang bata, at nabanggit na hindi pa ito nabibinyagan dahil na rin sa kalagayan.

“Maraming salamat po sa mga tumulong sa amin para mapa-binyagan ang aming mga anak. Sana po ay marami pa kayong matulungang tulad namin at sana po ay patuloy pa kayong biyayaan ng Panginoon,” ayon kay Casas.

Ito ang unang beses na nagkaloob ng binyag ang Radio Veritas sa pakikipagtulungan ng San Sebastian Parish-Pinagbuhatan, Caritas Manila at Caritas Pasig.
Ang Sakramento ng Binyag ang unang sakramentong iginagawad ng simbahan sa mga sanggol upang pawiin ang kasalanang orihinal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 29,806 total views

 29,806 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 57,811 total views

 57,811 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 75,611 total views

 75,611 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 74,441 total views

 74,441 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 184,689 total views

 184,689 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 11,033 total views

 11,033 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top