Kakulangan ng DOE at NGCP na tugunan ang kakapusan ng supply ng kuryente, pinuna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,108 total reads

Hinamon ni Senator Risa Hontiveros ang Department of Energy (DOE) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na gumawa ng hakbang upang tugunan ang kakulangan sa suplay ng kuryente sa bansa.

Ayon sa mambabatas bawat taon nang suliranin ang blackout sa Pilipinas ngunit walang konkretong hakbang ang pamahalaan upang tugunan ang krisis sa kuryente.

“Taon-taon na rin pinananawagan sa DOE at NGCP na kumilos sila pero bakit parang wala pa ring nangyayari? Both of these agencies should step up and put an end to this energy crisis once and for all,” pahayag ni Hontiveros.

Sinabi ng senador na dapat maging transparent ang DOE at NGCP sa suplay gayundin sa singil ng kuryente kasunod ng pagkasira ng Bolo-Masinloc transmission lines ng NGCP na nagdulot ng blackout sa Luzon at Visayas.

Iginiit ni Hontiveros na dapat paninindigan ng ahensya ang pangakong sapat at matatag ang suplay ng kuryente sa bansa sa kabila ng pagtaas ng demand.

Pangamba ng opisyal na ang kawalang sapat na kuryente sa bansa ang magiging basehan upang ipagpatuloy ang napipintong nuclear power.

“Nagbibigay lang ito ng pagkakataon na maipuslit ang nuclear option sa bansa at sabihing ito ang mabilisang solusyon sa problema,” giit ni Hontiveros.

Mungkahi ng mambabatas sa pamahalaan na paigtingin ang pagpapaunlad sa renewable energy system na mas matatag, malinis at ligtas na gamiting pagmumulan ng enerhiya.

Nauna nang nanawagan ang simbahang katolika na pagtuunan ng pansin ang pamumuhunan sa malinis na magkukunan ng enerhiya sa kapakinabangan ng kalikasan at mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 191,964 total reads

 191,964 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 262,383 total reads

 262,383 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 295,832 total reads

 295,832 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 331,132 total reads

 331,132 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 549,911 total reads

 549,911 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top