Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Makabayan bloc, tutol sa muling pag-aangkat ng asukal

SHARE THE TRUTH

 1,741 total views

Umalma ang Makabayan bloc sa pagpayag ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pag-aangkat ng karagdagang 150-libong metriko toneladang asukal.

Ayon kay ACT Teacher’s party list Representative France Castro, hindi magiging maunlad ang sektor ng agrikultura kung ang pag-aangkat ng mga produkto ang laging tugon ng pamahalaan sa mga kakulangan ng suplay ng bansa.

Nangangamba ang mambabatas na ang mga ganitong hakbang ng gobyerno ang papatay sa kabuhayan ng mga magsasaka at sa sektor ng agrikultura ng bansa na mas tinatangkilik ang mga produktong mula sa ibayong dagat.

“We should be vigilant against the Marcos administration’s penchant for importing agricultural products because it may kill our farmers before we know we would have no agricultural sector to speak of,” ayon kay Castro.

Giit naman ni Kabataan Partylist Executive Vice President Renee Louise Co, dapat ng simulan ng administrasyong Marcos ang pangmatagalang programa para paunlarin ang agrikultura at industriya sa bansa.

“Pero ang pangmatagalang programa para paunlarin ang agrikultura at industriya ng bansa, wala pa. Dapat nang seryosong ipatupad ang tunay na reporma sa lupa para mapalakas ang agrikultura at kabuhayan ng mga magsasaka nang di tayo laging naiipit na mag-angkat na lang lagi,” ayon kay Co.

Ayon kay Co, dapat nang magpatupad ng reporma sa lupa na magpapalakas sa kabuhayan ng mga magsasaka, gayundin ang pagbibigay ng production subsidy at pagbuwag sa cartel.

Muli ring iginiit ng Makabayan bloc ang pagtatalaga ng kalihim sa Department of Agriculture para bigyan tuon ang mga hamon sa tanggapan na kasalukuyang pinangangasiwaan ng Pangulong Marcos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,777 total views

 28,777 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 36,877 total views

 36,877 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 54,844 total views

 54,844 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 83,877 total views

 83,877 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 104,454 total views

 104,454 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top