Opisyal ng CBCP, duda sa pagpapawalang sala kay Napoles

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,912 total views

Kaduda-duda ang pagpawalang sala ng Sandiganbayan kay Janet Lim Napoles kaugnay sa 16 counts ng graft charges.

Ayon kay EDSA Shrine Rector at CBCP Public Affairs Commission Executive Secretary Fr. Jerome Secillano, bagamat napawalang sala ay nakatatak sa bawat Pilipino ang matinding katiwaliang kinasangkutan ni Napoles kasama ang ilang mambabatas at mataas na opisyal ng pamahalaan.

“It’s of course a tremendous surprise to learn about her acquittal. But, public opinion, where she was apparently found guilty, is totally different from a court decision,” pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Sa desisyong inilabas ng Sandiganbayan 1st Division, ipinagwalang bisa nito ang 16 na kasong graft and coruption laban kay Napoles sa pork barrel scam na ini-ugnay kay Senator Ramon Revilla Jr.

Ikinatwiran ng anti-graft court na kulang ang mga dokumento at ebidensyang isinumite para patunayang nalabag ni Napoles ang Section 3 (e) ng Republic Act 3019, o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Nag-ugat ang kaso sa akusasyong pinondohan ni Revilla ng 224-milyong piso mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ang bogus on-government organizations ni Napoles.

Unang napawalang sala si Revilla sa kasong pandarambong kaugnay sa pork barrel scam noong 2021 dahil sa kawalang sapat na ebidensya.

Kasabay ng pagpawalang sala ay ipinag-utos din ng Sandiganbayan ang pagtanggal sa Hold Departure Orders kay Napoles.

Sa kasalukuyan ay patuloy pang dinidinig ng korte ang 15 counts graft cases ni Napoles kaugnay sa PDAF ni dating senador at ngayo’y kasalukuyang Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Umaapela naman si Fr. Secillano sa mamamayan na maging mapagmatyag lalo na sa mga nanungkulang opisyal ng pamahalaan upang mapangalagaan ang pera ng taumbayan na ipinagkatiwala sa pamahalaan ang pangangasiwa para sa kabutihan ng nakararami.

“Let’s forever remain vigilant so that nothing of this sort may happen again and that true justice may be served,” ani Fr. Secillano.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suriin ang panawagan ng protesta

 3,012 total views

 3,012 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 98,076 total views

 98,076 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 120,139 total views

 120,139 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 135,779 total views

 135,779 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 141,687 total views

 141,687 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top