DILG,DOT at DND, lumagda sa isang convergence program

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,996 total reads

Nagsanib-pwersa ang Department of the Interior and Local Government, Department of Tourism, at Department of National Defense upang tiyakin ang kapayapaan at mapaunlad ang turismo sa Mindanao.

Sa ginanap na seremonya sa Zamboanga City, nilagdaan nina Interior Secretary Benhur Abalos, Tourism Secretary Christina Frasco, at Defense Secretary Carlito Galvez Jr., ang Memorandum of Agreement na titiyak sa kaligtasan, kapayapaan, at kaayusan sa rehiyon.

Ayon kay Abalos, ipinakikita ng bagong convergence program sa pagitan ng tatlong kagawaran ang dedikasyon at pagnanais ng pamahalaan na ipagpatuloy ang pagpapaunlad sa mga pamayanan at lugar sa Mindanao.

“Through this convergence, the DILG commits to ensuring that our local police are properly deployed in tourist destinations. I also call on our local government units to formulate their local tourism plan. Engage civic organizations in your localities to collaborate and work together with the local government units (LGUs) and other non-government organizations (NGOs) in promoting tourism developmental projects.” pahayag ni Abalos.

Binigyang-diin ng kalihim na malaki ang potensyal na patuloy na umunlad ang turismo sa rehiyon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga community-based tourism programs.

Mayaman ang Mindanao hindi lamang sa kultura, kun’di maging sa magaganda at makasaysayang tanawin na magiging kapaki-pakinabang sa pagpapasigla ng turismo, at hanapbuhay sa mga pamayanan.

“What we need to do is to ensure peace and order. Kapag payapa, tahimik at ligtas ang isang lugar, dadayuhin iyan ng mga turista and that is what this convergence program is all about.” dagdag ni Abalos.

Sa panig naman ng simbahan, isinusulong ng Caritas Philippines ang Alay para sa Katarungan at Kapayapaan na kabilang sa Alay Kapwa Legacy Stewardship Program.

Layunin ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ipalaganap ang maayos na ugnayang pulitikal, paggalang sa karapatang pantao, at pagsusulong ng kapayapaan sa bawat pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 38,441 total reads

 38,441 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 122,032 total reads

 122,032 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 216,363 total reads

 216,363 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 278,049 total reads

 278,049 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 321,984 total reads

 321,984 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 210,796 total reads

 210,796 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top