Family feeding program, ilulunsad ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,215 total reads

Inilulunsad ng Caritas Philippines ang programang nagpapakain sa isang buong pamilya sa loob ng isang taon.
Ito ang mensahe ni Jing Rey Henderson – Communication and Partnership Development Unit Coordinator ng Caritas Philippines sa nalalapit na paggunita ng World Food Security Day sa June 07.

Ayon kay Henderson, kasalukuyang benepisyaryo ng Family Feeding Program ang 300 pamilya mula sa 12-diyosesis habang inaayos pa ang pakikipag-ugnayan sa karagdagang siyam na bagong diyosesis.

“Sa pamamagitan po nung family feeding program , hindi lamang anak yung malnourished sa bahay, kapag may malnourished na anak sigurado yung kapatid niya ay malnourished din, at sigurado yung kaniyang nanay at tatay ay malnourished din kasi walang sapat na pagkain. kaya mahalaga mayroon tayong world food day, world food security day na selebrasyon” panayam kay Henderson sa programang Baranggay Simbayanan.

Bukod sa pagsusulong ng sapat na pagkain para sa isang buong pamilya, layunin ng Family Feeding Program na bigyang dignidad ang mga benipisyaryo.

Sa 45-libong pisong pondo kada pamilya sa isang ay binibigyan ng pagkakataon ang mga benepisasryo na makapamili ng kanilang lulutuing pagkain.

Ang mga benepisaryo ng programa ay bibili sa mga tiangge sa parokya o sa mga supplier ng ibat-ibang social action center ng simbahan.“Sa atin po ay may coupon kayo, pupunta po kayo doon sa palengke of example alam mo na ngayon kung sino yung mga supplier ng mga social action center or yung mga tiangge sa parokya doon kayo pupunta tapos mamimili kayo anong klase ng gulay ba ang gusto nating kainin for the rest of the week,”paglilinaw ni Henderson

Tiniyak rin ng opisyal ng Caritas Philippines na natutulungan nito ang mga magsasaka o mangingisdang suppliers ng programa dahil direkta silang kumikita na hindi na kinakailangan pang makipag-ugnayan sa mga middle men upang maibenta ang kanilang ani.

Noong 2022, umabot sa 500-milyong piso ang nailaang pondo ng Social Arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagtugon sa pangangailangan ng mga nasasalanta ng kalamidad, pagpapakain sa mga nagugutom at iba’t-ibang livelihood programs.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 110,981 total reads

 110,981 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 248,951 total reads

 248,951 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 364,727 total reads

 364,727 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 480,713 total reads

 480,713 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 97,736 total reads

 97,736 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »
Scroll to Top