Ugaliin ang pagsusuot ng face mask, panawagan ng CBCP-ECMI sa mamamayang Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,845 total reads

Muling iginiit ng Health Care Commission ng simbahan na mahalaga ang pagsusuot ng facemask upang mapangalagaan ang sarili mula sa iba’t ibang uri ng karamdaman.

Ayon kay Camillian Father Dan Cancino, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care na makakatulong ang pagsusuot ng facemask hindi lamang para makaiwas sa virus, kun’di maging sa epekto ng polusyon sa kapaligiran.

“Ang mask naman natin, it can be a barrier. Hindi lang naman COVID ang iiwasan mo kaya ka nagsusuot nito. Pwede itong proteksyon mula sa usok, pati sa ibang sakit tulad ng tuberculosis. So, kung makikita mo, marami rin talaga siyang benefits,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Fr. Cancino na higit na makakatulong ang wastong pagpapalaganap ng impormasyon upang mas maunawaan ng tao na makabubuti ang pagsusuot ng facemask bilang karagdagang proteksyon laban sa mga sakit.

Dagdag pa ng pari na layunin ng information dissemination na gisingin ang kamalayan at paigtingin ang disiplina ng publiko sa pangangalaga ng sariling kalusugan pati ng kapwa.

“Kaya nga ‘yung conscientization, increasing nung kamalayan na ‘yan ay napakaimportante talaga. Kasi baka isipin na magma-mask lang ako dahil baka may COVID, pero paano ‘yun kapag wala nang COVID, ibig sabihin ‘di na tayo magma-mask? Kung mababa ang iyong resistensya ay gawin mo ‘yung nararapat para sa iyong mga mahal sa buhay at para din sa ating sambayanan,” ayon kay Fr. Cancino.

Tagubilin naman ng pari sa publiko na patuloy lamang sundin ang minimum public health standards at pagpapabakuna dahil maraming posibilidad na mahawaan ng mga sakit dahil lamang sa pagiging kampante sa kapaligiran.

Batay sa huling ulat ng Department of Health, kasalukuyang nasa 8,600 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 182,419 total reads

 182,419 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 253,382 total reads

 253,382 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 286,831 total reads

 286,831 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 322,129 total reads

 322,129 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 541,356 total reads

 541,356 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 160,941 total reads

 160,941 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top