Pagpapabakuna ng bivalent vaccine, mahalagang pananggalang sa COVID 19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,516 total views

Iginiit ng eksperto na nanatiling mahalaga ang pagpapabakuna bilang pananggalang sa banta ng novel coronavirus.

Ayon kay Dr. Rey Salinel Jr. ng Philippine Academy of Family Physician, malaki ang naging bahagi ng bakuna para iligtas ang buhay ng publiko mula sa nakamamatay na sakit.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Salinel, binigyan diin ng dalubhasa na kailangan ang pagpapabakuna lalo na sa mga pangunahing lantad sa panganib tulad ng mga health care worker, matatanda at mga may karamdaman.
Ang pahayag ni Salinel ay kaugnay na rin sa bivalent vaccine bilang karagdagang proteksyon laban sa virus at pagkakaroon ng iba’t uri ng mutation.

Ipinaliwanag ni Salinel na ang bivalent vaccine ay may dalawang component-laban sa original virus at mga subvariants bilang karagdagang proteksyon sa mga pangunahing lantad sa Covid-19.

“Malaki po talaga ang tulong na mabibigay ng Bivalent Vaccine para po malabanan itong mga mutation na ito, para po magkaroon tayo ng proteksyon at dagdagan pa ang mga nakuha nating proteksyon sa mga naunang mga Monovalent Vaccine.” ayon pa kay ni Dr. Salinel.

Ito ay maaring ibakuna, anim na buwan matapos na magpabakuna ng booster.
Dahil sa kakaunti lamang ang bakuna, ipinag-utos ng pamahalaan na ang maaring makatanggap ng bivalent vaccine ang medical frontliners, senior citizens at persons with comorbidities.

with News Intern:  Raven Macapagal

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 481 total views

 481 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 33,563 total views

 33,563 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 61,914 total views

 61,914 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 129,644 total views

 129,644 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 152,767 total views

 152,767 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top