Panalangin para kay Pope Francis, hiling ng arsobispo ng Maynila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,704 total reads

Hiniling ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula sa mananampalataya ang patuloy na panalangin sa kalakasan ng Santo Papa Francisco.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa paggunita ng simbahang katolika ng Pope’s Day sa June 29 kasabay ng Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo.

“Let us continue to live and pray for the Holy Father, Pope Francis’ health and well-being. We pray for his greater sanctity as we all strive to be holy ourselves in imitation of our Blessed Mother who is all YES to the Father in heaven.” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Batid ng arsobispo ang kahalagahan ng mga panalangin para sa kalusugan ng Santo Papa lalo’t ito’y naghahanda sa kanyang pagdalo sa World Youth Day sa Lisbon Portugal ngayong Agosto.

“I know that his World Youth Day Bag and Kits are ready and nothing can stop him from journeying like Mary who “arose and went with haste.” We join our Pope Francis as he keeps this ‘vigil’ until August for these special days of encounter.” ani ng cardinal.

Binigyang diin ni Cardinal Advincula ang mensahe ng punong pastol sa mga kabataan na paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa kapwa, maging liwanag at pag-asa sa mga pinanghihinaan sa tulong at gabay ng Panginoon.

Dalangin ni Cardinal Advincula ang kalakasan ng santo papa para patuloy na gampanan ang misyong pagpapastol sa mahigit isang bilyong katoliko sa mundo.

“We lift up to the Lord our beloved Pope Francis. May his leadership and shepherding of the church be continuously inspired by your Holy Spirit and placed under the mantle of the Immaculate Mother of God.” dagdag ni Cardinal Advincula.

Matatandaang makailang beses sumailalim sa operasyon si Pope Francis dahil sa mga karamdaman subalit patuloy pa rin nitong ginagampanan ang mga tungkulin sa simbahan.

Pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang Pope’s Day Mass sa alas sais ng gabi sa Minor Basilica of the ImmaculateConception Cathedral o Manila Cathedral kasama si Cardinal Advincula at iba pang mga obispo.

Bubuksan din ng Manila Cathedral ang The Popes in the Philippines exhibit kung saan tampok ang iba’t ibang memorabilia ng mga santo papang dumalaw sa bansa na sina St. Paul VI, St. John Paul II at Pope Francis.

Ang dalawang apostol ang pangunahing nagtaguyod sa simbahang itinatag ni Kristo sa sanlibutan kung saan ipinagkatiwala ni Hesus kay San Pedro ang simbahan habang si San Pablo naman ang nangaral sa iba’t ibang bahagi ng daigdig upang maihatid ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 47,308 total reads

 47,308 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 163,565 total reads

 163,565 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 248,934 total reads

 248,934 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 295,674 total reads

 295,674 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 343,541 total reads

 343,541 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 439,413 total reads

 439,413 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top