Fisher group, duda sa kakayahan ni Pangulong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,306 total reads

Duda ang samahan ng mga mangingisda sa pahayag ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matutugunan ang kagutuman sa bansa.

Ayon kay Fernando Hicap, national chairperson ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya o PAMALAKAYA, walang matatag na programa ang bansa para lutasin ang kahirapan at kagutuman.

Sinabi pa ni Hicap na sa loob ng isang taong panunungkulan bilang Pangulo, nanatili pa rin ang mapanirang dredging reclamation lalo na sa Manila na nakaapekto sa mga pangisdaan.

“Kung dito sa Manila Bay, dahil dito sa dredging reclamation 80% ng total na production bago mag-reclamation and dredging sa Manila Bay ang nawala sa mga mangingisda natin kaya karamihan sa mga mangingisda natin ay dumadayo na at syempre kapag nagdayo ‘yan mataas yung gastos at ang pinakamasakit at hindi talaga katanggap tanggap, sinira nito yung ating ecosystem.” ayon kay Hicap.

Giit pa ni Hicap na ayon din sa natanggap nilang ulat, may 70 porsiyento ng mga mangingisda sa West Philippine Sea ang nawalan ng kita simula 2021.

Binigyan diin pa ng Pamalakaya na ang tunay na konsepto ng food security ay hindi sa pamamagitan ng pag-aangkat ng produkto sa ibayong dagat kundi ang pagkakaroon ng sapat na ani ng mga lokal na mangingisda at magsasaka.

Dagdag pa ni Hicap, “Kapag meron na tayong food supply, domino effect ‘yan kung mapapababa natin ‘yung produksyon, gastos natin sa produksyon bababa din yung (presyon ng) pagkain sa ating bayan.”

Giit pa ng grupo, wala ding tugon ang administrasyong Marcos laban sa Chinese Commercial Fishing Vessel at pagtuloy na pananakot sa mga mangingisdang Filipino ng mga Chinese.

Una na ring nanawagan ang simbahan lalo na ang Caritas Philippines ng pagbibigay tuon ng pamahalaan sa mga magsasaka at mangingisda upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain sa bansa nang hindi na kailangan ang umangkat sa ibang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 133,444 total reads

 133,444 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 165,174 total reads

 165,174 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 266,998 total reads

 266,998 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 307,555 total reads

 307,555 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 322,514 total reads

 322,514 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top