Geoengineering at ang krisis sa klima

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 822 total reads

Mga Kapanalig, narinig n’yo na ba ang salitang “geoengineering”? 

Ang geoengineering ay tumutukoy sa malawakang teknolohikal na interbensyon sa sistema ng klima ng mundo upang labanan ang mga epekto ng climate change. May dalawang pangunahing uri ng geoengineering. Isa rito ay ang greenhouse gas removal kung saan sisipsipin mula sa ating atmosphere ang carbon dioxide at iiimbak ito sa lupa. Ang isa namang paraan ay ang solar radiation management kung saan ire-reflect ang sikat ng araw pabalik sa kalawakan upang pigilan ang pagtaas ng temperatura sa mundo. Halimbawa nito ay ang pagpapakalat ng sulphate aerosol sa stratosphere upang bawasan ang pumapasok na sikat ng araw sa mundo. Sa madaling salita, ang geoengineering ay ang paggamit ng teknolohiya upang manipulahin ang klima upang pigilan ang patuloy na pag-init ng mundo. 

Bagamat hindi na bago ang geoengineering sa usapin ng climate change, tumataas muli ang interes dito dahil sa kabiguan ng mga bansang maabot ang kani-kanilang target na pagpapababa ng greenhouse gas emissions. Ang geoengineering ay isa sa mga isinusulong na solusyon umano sa climate change.

Kamakailan lamang ay nagpatawag ang European Union (o EU) ng pandaigdigang diskusyon tungkol sa mga panganib at paraan ng pamamahala sa geoengineering. Nagbabala ang mga lider ng EU tungkol sa mga seryosong panganib ng pagmamanipula sa klima. Anila, walang sinuman ang maaaring magsagawa ng kanya-kanyang pag-e-eksperimento sa ating planeta, sa nag-iisa nating tahanan. Maliban sa mga pisikal na panganib na maaaring idulot ng geoengineering, posibleng ilayo nito ang atensyon natin sa ugat ng climate change, pangunahin dito ang greenhouse gas emissions mula sa pagsusunog ng fossil fuels. Kaya naman nananatiling kontrobersyal ang geoengineering.

Nasa simula na tayo ng tinatawag na fourth industrial revolution na minamarkahan ng mabilis na pagsulong ng digital technologies katulad ng artificial intelligence at robotics. Kaya naman, hindi na nakapagtatakang naghahanap tayo ng technological fix pati sa mga suliraning ekolohikal katulad ng mga epekto ng climate change. Mas nakaaakit para sa mga korporasyon ang pag-develop ng self-driving electric cars kaysa pagtuunan ng pansin ang mass transportation upang tugunan ang problema sa trapik at carbon emissions sa transportasyon. Milyun-milyong dolyar din ang ibinubuhos sa mga teknolohiyang katulad ng geoengineering upang mabawi ang emissions ng mga malalaking kumpanya. 

Hindi matutuldukan ang krisis sa klima sa pamamagitan ng mga band-aid solutions. Ang tunay na ugat ng climate change ay ang patuloy na pag-ubos sa mga likas na yaman upang makamtan ang walang-hanggang paglago ng kita sa ilalim ng kasalukuyang sistema ng ekonomiya. Kailangan ang pagtutulungan ng international community upang baguhin ang nakasanayang paraan ng pamumuhay, produksyon, at pagkonsumo. Paalala nga ni Pope Francis sa Laudato Si’, ang climate change ay pinalulubha ng modelo ng pag-unlad na nakabatay sa matindi at malawakang paggamit ng mga fossil fuels katulad ng petrolyo.

Marami na rin ang mga isinusulong na estratehiya at balangkas upang tugunan ang climate change nang walang naiiwang mga sektor ng lipunan. Ilan lamang dito ay ang just transition sa renewable energy; pagsulong ng circular economy para tugunan ang problema sa basura; at divestment o pagbawi ng investment sa mga kumpanyang nasa fossil fuel industry 

Mga Kapanalig, hindi maikakaila ang halaga ng teknolohiya sa pagtugon sa kasalukuyang krisis sa klima at pagkamit ng kaunlaran. Gayunpaman, ang daan tungo sa kaunlaran ay dapat sustenable at makatarungan. Hindi lamang nito dapat tinitingnan ang paglago ng ekonomiya. Higit na pinahahalagahan dapat ang pangangalaga sa kapaligiran at pag-unlad na walang iniiwan. Alang-alang sa kalikasan at sa mga susunod na henerasyon, alalahanin natin ang wika sa Genesis 2:15: inilgay tayo ng Panginoon sa mundo upang ito ay pagyamanin at pangalagaan. 

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 218,437 total reads

 218,437 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 253,110 total reads

 253,110 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 269,010 total reads

 269,010 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 305,500 total reads

 305,500 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 311,125 total reads

 311,125 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 218,439 total reads

 218,439 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 253,112 total reads

 253,112 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 269,012 total reads

 269,012 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 305,502 total reads

 305,502 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top