Pagiging heritage site ng Baclaran Church, isinusulong ni Senator Estrada

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,464 total reads

Isinusulong ni Senator Jinggoy Estrada ang pagdideklara na heritage site ng National Shrine of Our Mother of Perpetual Help o Baclaran church at paligid ng simbahan.

Sa Senate Bill No. 2278 ni Estrada, binigyang diin nito na bahagi ng espiritwal na buhay ng mga Pilipino ang simbahan ng Baclaran gayundin sa makasaysayang tradisyon ng mamamayan na mayorya ay mga katoliko.

“Hindi maikakaila na ang Redemptorist Church na kilala rin bilang National Shrine of Our Mother of Perpetual ay isa sa pinakasikat na simbahan sa bansa at itinuturing na isa sa pinakamalaking Marian churches sa bansa na umaakit ng maraming deboto at turista.” bahagi ng pahayag ni Estrada.

Kamakailan ay kinilala ng National Museum of the Philippines ang Baclaran Church bilang “important cultural property” ng bansa.

Layunin ng inihaing panukala ni Estradda na itatag ang polisiyang magpapanatili sa kahalagahan ng kasaysayan at panlipunang kultura gayundin ang pagtiyak sa accessibility, kaginhawaan at kaligtasan ng bawat debotong bumibisita sa dambana.

Sa paghirang na heritage site at tourist destination, aatasan ang Department of Tourism (DOT) na makipagtulungan sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP), Department of Public Works and Highways (DPWH), lokal na pamahalaan ng Parañaque, at iba pang stakeholders na magbalangkas ng plano para mapaunlad ang turismo sa lugar kabilang na ang pagtatayo ng angkop na pasilidad sa Baclaran Church.

Inihayag ng mambabatas na ang pondo para sa implementasyon ng tourism development plan ay isasama sa budget ng lokal na pamahalaan ng Parañaque habang ang DOT naman ang magbibigay ng technical assistance sa tourism capacity building ng Baclaran Church.

Sa datos nasa 130 mga simabahan sa bansa ang kinilala ng pamahalaan na Important Cultural Property, National Historical Landmark, at National Cultural Treasure dahil sa pagiging bahagi ng mayamang kasaysayan ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 35,984 total reads

 35,984 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 58,183 total reads

 58,183 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 94,683 total reads

 94,683 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 315,310 total reads

 315,310 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 347,853 total reads

 347,853 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top