Punk rock version ng “Ama Namin” drag performance, kinundena ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,906 total reads

Mariing kinundena ng Caritas Philippines ang drag performance sa punk rock version ng ‘Ama Namin’ na isang pambabastos sa Diyos at sa kristiyanong pamayanan.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang pangulo ng social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines isang tahasang paglapastangan ang ginawa ni Pura Luka Vega sa panalanging itinuro ng Panginoon gayundin ang pagbibihis tulad ng kasuotan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno.

“We are deeply saddened and offended by the recent drag performance of the ‘Ama Namin’ or the Lord’s Prayer. This performance was a deliberate attempt to mock and ridicule our sacred prayer, and it is deeply disrespectful to the Catholic faith,” bahagi ng mensahe ni Bishop Bagaforo.

Paliwanag ng opisyal bagamat kinikilala ng simbahan ang karapatan ng bawat isang magpahayag ng kanilang saloobin pinaalalahanan naman nito ang mamamayan na dapat isaalang alang ang paggalang sa karapatan at paniniwala ng kapwa.

Gayunpaman tiniyak ng Caritas Philippines ang suporta sa mga magagandang programa ng grupo na makabubuti sa pamayanan at simbahan.

“We recognize the diversity within the community and acknowledge that many LGBTQI+ individuals are devout Catholics who love and serve God and the Church,” dagdag ni Bishop Bagaforo.

Bagamat ipinaliwanag ni Vega ang kanyang ginawa sa isang party mariing pinaalalahan ng CBCP ang sinumang indibidwal na maging maingat sa paggamit ng relihiyon at pananampalataya sa mga gawaing pagtatanghal dahil sa kaakibat ng kasagraduhan ng mga pagdiriwang.

Sinabi ni Capiz Archbishop Victor Bendico ng Commission on Liturgy na ang mga gawain sa banal na pagdiriwang ay pagkakataong makipag-ugnayan sa Panginoon kaya’t nararapat na igalang ang mga panalangin at sacred vestments at gamitin lamang ito sa mga naangkop na lugar at pagdiriwang.

Read: https://www.veritasph.net/blasphemy-act-pinuna-ng-opisyal-ng-cbcp-may-god-have-mercy-on-him/

Tiniyak ng Caritas Philipines ang patuloy na pagtataguyod sa karapatang panlipunan gayundin ang pagkalinga sa bawat isa lalo’t higit ang labis nangangailangan sa pamayanan.

“We strive to create spaces where diverse voices can be heard, and where the rights and dignity of all individuals, regardless of their sexual orientation or gender identity, are upheld and protected,” giit ng opisyal.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 38,163 total reads

 38,163 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 143,622 total reads

 143,622 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 228,992 total reads

 228,991 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 275,729 total reads

 275,728 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 323,600 total reads

 323,600 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 420,324 total reads

 420,324 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top