Green Recovery sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 678 total views

Kapanalig, sa gitna ng gabundok na basura na ating nalilikha araw araw, sa pagbabago ng klima, at pagkasira ng ating kalikasan, napapanahon na ang “green recovery” o ang panunumbalik ng ating luntiang kalikasan.

Bilang isang bansa na mayaman sa likas yaman pero mayaman din sa mga elementong sumisira din nito, kailangan na natin ng mga kongkretong hakbang para tunay na mapangalagaan ang ating kapaligiran. Mahalagang magawa natin ito dahil, kapanalig, ang likas yaman ang pundasyon ng ating kinabukasan.

Kailangan nating magsagawa ng mga hakbang na magbabawas ng epekto ng climate change sa ating bayan habang patuloy na pinoprotektahan ang ating kalikasan. Isang ehemplo nito ay ang rehabilitasyon ng mga degraded forest areas ng ating bayan. Sa ngayon, kapanalig, halos 47,000 na hektarya ng kagubatan ang nawawala sa ating bansa kada taon.

Kailangan din natin ng pagbabago sa ating mga nakagawiang practices sa farming at fishing na sumisira rin ng ating mga lupa at karagatan. Ang pagkakaingin ay patuloy pa ring ginagawa sa ilang lugar sa ating bayan, at ang overfishing ay nangyayari pa rin sa maraming lugar. Pati ating mga bakawan o mangroves ay nasisira na, na proteksyon pa naman sana sa mga daluyong mapaminsala. Pati mga coral reefs natin, delikado na, siyang tahanan ng ating mga isda. Tinatayang mahigit pa sa 30% ng ating mga coral reefs ay “in poor condition” na.

Maliban sa pangangalaga sa kalikasan, ang green recovery ay tungkol din sa “green jobs.” Malaking bahagi ito ng green recovery dahil dito din manggagaling ang malawakang pagbabago sa ating mga nakagawiang practices na nakakasira sa ating kapaligiran. Ang mga green jobs ay mga trabahong tumutulong sa pagpreserba o pagpapanumbalik ng ating kalikasan, gaya ng mga agriculture workers, forestry workers, disaster risk reduction managers at iba pa.

Kapanalig, malalim na pagbabago ang kailangan natin upang tunay na makamit natin ang green recovery.  Ang green recovery ay hindi lamang panunumbalik ng ganda at yabong ng ating kapaligiran, ito rin ay panunumbalik ng ating maayos na ugnayan sa ating kalikasan at pati na rin ng ating humanidad – ng ating dangal bilang kawangis ng Diyos. Sabi nga sa Caritas in Veritate, “Ang paraan ng pagtrato ng sangkatauhan sa kapaligiran ay sumasalamin sa pagtrato nito sa kanyang sarili.” Sana kapanalig, ating mapagtanto, na ang pangangalaga sa ating kalikasan ay pangangalaga rin ng ating relasyon, hindi lamang sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan, kundi sa ating Diyos.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 36,133 total views

 36,133 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 42,262 total views

 42,262 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 72,404 total views

 72,404 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 92,238 total views

 92,238 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 111,631 total views

 111,631 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NUMBER’S GAME

 36,134 total views

 36,134 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 42,263 total views

 42,263 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 72,405 total views

 72,405 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 92,239 total views

 92,239 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »
Scroll to Top