Tulong sa mga naulila sa Laguna de Bay tragedy, tiniyak ng Diocese of Antipolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,134 total reads

Tiniyak ng Diocese of Antipolo ang pagtulong sa mga naulilang kaanak ng Laguna de Bay tragedy sa Talim Island, Binangonan Rizal.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos pag-aaralan ng diyosesis katuwang ang iba’t ibang komisyon upang makapagbalangkas ng konkretong tugon lalo’t kadalasan sa mga nasawi ay naghahanap buhay para sa pamilya.

Tinukoy ng obispo ang suporta sa edukasyon ng mga kabataang nawalan ng magulang dahil sa insidente sa lawa kamakailan.

“Tayo ay tutulong, tayo’y tutugon sa pangangailangan hindi lamang sa panalangin, hindi lang sa Banal na Misa bagkus sa tulong na pang kinabukasan, panghinaharap. Titiyakin ng Diocese of Antipolo sa pamamagitan ng ating mga schools ating pag uusapan at ating babalakin na kung saan bibigyan ng pagkakataon at akuin ang pangangailangan upang patuloy na makapag-aral ang kanilang mga naiwan,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Nitong August 1 ay binisita ng obispo ang mga kaanak ng mga nasawing biktima at pinangunahan ang Banal na Misa sa Sto. Domingo Parish, Janosa Talim Island kung saan anim sa 27 nasawi ang dinala sa simbahan at binasbasan.

Sa homiliya sinabi ng obispo na bagamat hindi madaling mauunawaan ang mga pangyayari ay marapatin lamang na ipagkatiwala sa Diyos ang insidente at magtiwala sa pangakong kaligtasan na kanyang hatid sa sangkatauhan.

Aniya sa tulong ng Mahal na Birheng Maria ay makamtan ng mga naulilang pamilya ang kapanatagan ng puso at maghilom ang sakit na naramdaman.

Apela ni Bishop Santos sa mga kinauukulang ahensya at sa mamamayan na mahigpit sundin ang mga batas kaugnay sa paglalayag para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat isa.

“Kung ang mga batas ay nasusunod at ipinatutupad na kung saan ay talagang walang palusot, walang pinapaboran sapagkat kung ginagamit natin ang disiplina tayo ay magiging ligtas,” ani Bishop Santos.

Pinaiimbestigahan na rin ng mga mambabatas ang paglubog ng M/B Princess Aya upang matukoy ang mga may pananagutan at maparusahan ayon sa itinakda ng batas.

Sinabi ni Senator Raffy Tulfo na dapat managot ang Philippine Coast Guard at Maritime Industry Authority sa kapabayaan sa kanilang tungkulin.

Una nang tinanggal ng PCG ang mga kawaning nakatalaga sa Binganonan habang tiniyak ang imbestigasyon sa kanilang hanay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 114,891 total reads

 114,891 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 146,620 total reads

 146,620 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 248,446 total reads

 248,446 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 289,005 total reads

 289,005 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 304,622 total reads

 304,622 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top