Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Hindi alam ng masama kung ano ang katarungan”

SHARE THE TRUTH

 498 total views

Mga Kapanalig, gumagana raw ang sistemang pangkatarungan o justice system sa ating bansa.  

Iyan ang dahilan kung bakit pinaninindigan ng ating gobyernong hindi makipagtulungan sa International Criminal Court (o ICC) sa imbestigasyon nito sa malawakang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng giyera kontra droga ng dating administrasyong Duterte. “Competent, capable and running” daw ang kasalukuyang sistemang pangkatarungan natin, minsang iginiit ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. Kaya raw ng ating gobyernong gawaran ng katarungan ang mga kababayan nating biktima ng extrajudicial killings (o EJK) at panagutin ang mga sangkot sa mga ito. Maniniwala tayo sa mga sinambit na ito ni Secretary Remulla kung hindi lamang iisang kaso ng EJK ang naresolba; ito ay ang kaso ng pagpatay sa binatilyong si Kian Delos Santos.  

Bago matapos ang buwan ng Hulyo, isang kontrobersyal na kaso ang naresolba, at sa itinakbo ng kasong ito, kukuwestiyunin talaga ang sinasabing gumagana ang sistemang pangkatarungan sa ating bansa.  

Pinawalang-sala ng korte sa kasong illegal possession of firearms and explosives ang aktibistang si Reina Mae Nasino at dalawa pang kasamahan. Kung inyong matatandaan, kasama si Reina Mae sa mga hinuli ng mga pulis sa opisina ng grupong Bayan sa Tondo, Maynila noong Nobyembre 2019. Ni-raid ng mga pulis ang opisina bilang bahagi ng kampanya ng kapulisang lipulin ang mga itinuturing na kalaban ng gobyerno at sinasabing kasapi ng mga makakaliwang grupo. Pinabulaanan ng mga hinuli ang inaakusa sa kanilang mga kaso, at iginiit nilang itinanim ang mga ebidensyang sinasabing nasabat ng mga pulis. 

Hindi alam ni Reina Mae na nagdadalantao siya noong siya ay hinuli at ikinulong. Ipinanganak niya ang kanyang munting anghel, na pinangalanan niyang River, habang nakakulong at sa kasagsagan ng pandemya. Matapos ang dalawang linggo, napilitan siyang ipaubaya sa kanyang ina ang sanggol. Salat sa kalinga ng ina at sa benepisyo ng pagpapasuso, naging mahina ang bata at kalaunan ay namatay dahil sa pneumonia. Tatlong taóng gulang na sana si Baby River noong Hulyo. Hindi pinahintulutan ng korte si Reina Mae na makita at makapiling ang kanyang anak. Kahit sa huling sandali, sa araw ng libing noong Oktubre 2020, tanging mga daliri lamang ng nakaposas niyang mga kamay ang nakadampi sa munting kabaong. Pinagkaitan si Reina Mae na maging ina sa kanyang anak. 

Matapos makapagbayad ng bahagi ng tinatawag na surety bond noong Disyembre 2022, pansamantalang pinalaya si Reina Mae. Kasunod ito ng pagsasabi ng korteng mahina ang mga ebidensya laban sa kanya at kanyang mga kasamang inaresto. At kamakailan nga, tuluyan na siyang pinawalang-sala. Masayang balita ito para kay Reina Mae, ngunit sa kalbaryong pinagdaanan niya habang ipinaglalaban ang katotohanan at hinahanap ang katarungan, may kapaitan ang tagumpay na ito. Ito ba ang patunay na gumagana ang sistemang pangkatarungan sa ating bansa? 

Nakukulong at nagdurusa sa piitan ang mga mahihirap at karaniwang mamamayan katulad ni Reina Mae habang ang mga makapangyarihan at maimpluwensyang napatunayan nang nagkasala sa batas ay malaya. Kung kaanak ng mga nasa poder ang nahuling gumagawa ng krimen, hindi na dumadaan ang kanilang kaso sa korte. Kung malalaking tao ang sangkot sa katiwalian, hindi sila kailanman nakahahawak ng rehas. Anong sistemang pangkatarungan ito? 

Mga Kapanalig, ang katarungan, bilang isang prinsipyo ng panlipunang turo ng Simbahan, ay dapat nakatuon sa kabutihang panlahat o common good. Samakatuwid, bulag ito sa katayuan sa buhay ng mga nais nating papanagutin sa kanilang pagkakamali, ngunit nakabatay pa rin dapat ito sa katotohanan. Malaking tanong kung tunay nga bang gumagana ang ating justice system dahil gaya nga ng paalala sa Mga Kawikaan 28:5, “Hindi alam ng masama kung ano ang katarungan.” 

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 22,732 total views

 22,732 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 30,832 total views

 30,832 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 48,799 total views

 48,799 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 77,890 total views

 77,890 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 98,467 total views

 98,467 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 22,733 total views

 22,733 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 30,833 total views

 30,833 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 48,800 total views

 48,800 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 77,891 total views

 77,891 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 98,468 total views

 98,468 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 86,355 total views

 86,355 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,136 total views

 97,136 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,192 total views

 108,192 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,054 total views

 72,054 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 60,483 total views

 60,483 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 60,705 total views

 60,705 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 53,407 total views

 53,407 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 88,952 total views

 88,952 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 97,828 total views

 97,828 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 108,906 total views

 108,906 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top