Eastern Samar LGU, suportado ang laban ng Diocese of Borongan kontra destructive mining

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,101 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang pamahalaang panlalawigan ng Eastern Samar sa inisyatibo ng Diyosesis ng Borongan upang manawagan sa pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno laban sa nakasisirang industriya ng pagmimina sa lalawigan.

Sa pamamagitan ng isang solidarity message ay ipinaabot ni Eastern Samar Governor Ben Evardone na kaisa ng Simbahan ang pamahalaang panlalawigan sa paghahangad na matiyak ang kaayusan, kaligtasan at kasaganahan hindi lamang ng mga mamamayan sa Eastern Samar kundi maging ang mismong kapaligiran.

“I share the strong sentiments of the Diocese of Borongan on the issue of destructive mining in our province. The best insterest of our people and the protection of the environment should be the paramount concern of all sectors. Environmental laws and social protection must be fully and strictly observed.” Ang bahagi ng mensahe ni Governor Evardone.

Nilinaw ng gobernador na walang kapangyarihan ang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan upang mag-apruba o magbigay ng anumang mining permits sa lalawigan.

“I would also like to emphasize that the provincial government, particularly the Office of the Governor, has no hand in the approval of all mining permits in our province.” Dagdag pa ng governador.

Ipinaliwanag ni Gov. Evardone na tanging ang mga sangay ng pamahalaan tulad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang nangangasiwa at may kapangyarihan na magpatupad ng mahigpit na regulasyon sa industriya ng pagmimina sa bansa.

Apela ng opisyal ang mariing paninindigan ng naturang mga ahensya sa pagpapatupad ng mga environmental and mining regulations sa bansa.

“I am reiterating my call to all regulatory bodies of the government, particularly the Department of Environment and Natural Resources (DENR) and Mines and Geosciences Bureau (MGB) to adhere to the rule of law without fear nor favor. Under the law, the authority and responsibility to enforce and implement environmental and mining regulations rest with these agencies.” Ayon pa kay Gov. Evardone. Ika-7 ng Agosto, 2023 ng pinangunahan ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang Jericho Walk Prayer Rally upang hilingin sa mga opisyal ng pamahalaan, at mga sangay ng gobyerno sa lalawigan ang pagsasantabi sa anumang aplikasyon ng pagmimina para sa kapakanan ng mahihirap na mamamayan at ng kalikasan.

Nakibahagi din sa gawain ang mga kinatawan mula sa Diyosesis ng Calbayog at Catarman, na kabilang sa mga lugar na kung saan may mga pagmimina.

Unang kinondena ni Bishop Varquez ang pagpapatuloy ng pagmimina lalo na sa Homonhon at Manicani Island sa Guiuan, Eastern Samar dahil sa pinsalang dulot nito sa kalikasan at buhay ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 65,307 total reads

 65,307 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 97,901 total reads

 97,901 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 199,727 total reads

 199,727 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 240,285 total reads

 240,285 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 258,081 total reads

 258,081 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 52,149 total reads

 52,149 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top