Panukalang 5.7-trilyong pisong 2024 national budget, susuriing mabuti ng Kamara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,661 total reads

Sa pagsisimula ng deliberasyon ng Mababang Kapulungan sa 2024 proposed national budget, tiniyak ng liderato ng Kamara ang ibayong pagsusuri sa 5.768-trillion pesos budget para sa kapakinabangan ng mga Filipino.

Ayon kay Speaker Martin Romualdez, titiyakin ng kamara na ang bawat sentimo ng pambansang budget ay mailalaan at gagamitin ng wasto.

Sinabi pa ni Romualdez na tungkulin ng 312 mga mambabatas na ang buwis ng bayan ay magagamit sa tama, nararapat at paglilingkod mula sa pamahalaan.

“With utmost diligence, we will ensure that every centavo of the proposed P5.768 trillion budget will be judiciously spent.” ayon kay Romualdez.

Ang pahayag ng mambabatas ay kasunod na rin ng pagbubukas ng kongreso sa deliberasyon at pagsusuri sa 2024 national budget makaraan na ring isumite ng economic team ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang pondo para sa susunod na taon.

Tiniyak din ni Romualdez ang pagtutok ng Mababang Kapulungan sa national budget at mapagtibay hanggang sa Oktubre ng kasalukuyang taon.

“I call upon the members of this august body to actively participate in the budget deliberation, listen and respect everyone’s view, particularly the concerns of our colleagues from the minority, and reach a consensus that is beneficial to the country, especially the poor and marginalized among our people.” dagdag pa ng mambabatas.

Nagsagawa naman ng kilos protesta ang mga militante sa labas ng Batasan upang igiit sa kongreso na isama sa national budget ang salary increase sa mga manggagawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 154,847 total reads

 154,847 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 227,629 total reads

 227,629 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 261,076 total reads

 261,076 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 296,375 total reads

 296,375 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 516,820 total reads

 516,820 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top