Mananampalataya, hinimok ni Pope Francis na ipanalangin ang kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,320 total reads

Hinimok ng Santo Papa Francisco ang bawat mananampalataya na patuloy idulog sa Panginoon ang kapayapaan sa buong mundo.

Ito ang pagninilay ng santo papa sa katatapos na World Youth Day kung saan ikinalugod ang pagsamasama ng mga kabataan para sa iisang hangaring maglakbay sa landas ni Hesus.

“In a world torn by poverty, injustice and war, we joined in prayer for the spread of the Gospel, the conversion of hearts, and the healing and peace that the Lord alone can give.” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Inilarawan ng pinunong pastol ng mahigit isang bilyong katoliko na ang pagbubuklod ng mga kabataan sa Lisbon Portugal ay pagpapakita ng pagiging isa ng simbahang itinatag ni Kristo bagamat ito ay nagmumula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Ibinahagi ni Pope Francis na sa kanyang pagdalaw sa Fatima muli nitong itinalaga ang sarili at ang buong mundo sa Kalinis-linisang puso ni Maria kasabay ang kahilingang mamagitan sa mga lugar na laganap ang karahasan tulad ng Russia at Ukraine upang mamayani ang diwa ng kapayapaang hatid ng kanyang Anak na si Hesus.

“May this great outpouring of spiritual joy and love for Christ that marked these days foster an abundance of vocations and serve as a leaven of hope for the future of Portugal, the Church and our world.” dagdag ng Santo Papa.

Una nang hinimok ng santo papa ang mga kabataang delegado ng WYD 2023 na patuloy magbuklod sa paglalakabay at manalangin sa Diyos para sa pagkakaisa ng mundo at makamit ang kapayapaan sa buong pamayanan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 48,869 total reads

 48,869 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 96,514 total reads

 96,514 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 217,093 total reads

 217,093 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 267,451 total reads

 267,451 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 392,803 total reads

 392,803 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top