Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,041 total views

Kapanalig, kadalasan, tayo ay walang pakialam sa mga basurang itinatapon natin. Walang halaga sa atin ang mga iyan, pero sa isang grupo ng mamamayan sa ating bansa, ang basura natin ay pagasa. Sa mga basurero at mga mangangalakal, ang mga kalat natin ay kabuhayan nila.

Ang kanilang mga gawain ay hindi pansin. Mismong sila nga, hindi natin napapansin. Walang statistika na magsasabi ng kanilang bilang. Wala silang mga social benefits o safety nets gaya ng insurance. Maswerte kung sila ay masasama sa  mga listahan ng indigents sa kanilang mga barangay, dahil kung kasama sila, maaari silang makatanggap ng tulong mula sa pamahalaan. Pero   hindi lamang ayuda ang kailangan nila, kapanalig. Kailangan din silang makilala at mapahalagahan. Sa ating lipunan, mababa ang tingin ng maraming mamamayan sa mangangalakal.

Ang mga mangangalakal sa ating bayan ay yaong nagpapagal sa paglilinis at pagsasagip ng ating basurang itinatapon upang ito’y magamit muli at mabenta. Sa kanilang gawain, nasasabuhay ang konsepto at praktis ng “reduce, reuse, at recycle.” Mahalaga ang kanilang papel sa ating lipunan, lalo’t pa’t dapat pag-ibayuhin ang circular economy—isang modelo ng produksyon at konsumpsyon kung saan ang mga produkto ay nagagamit ng mas matagal sa pamamagitan ng pag recycle, pagkumpuni, pag-upcycle, repurpose, at reuse. Integral na bahagi ng circular economy ang mga mangangalakal. Sa kamay nila, unti unti nating maisasalba ang ating kalikasan.

Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga kondisyon at kita sa ganitong uri ng trabaho ay hindi makatarungan. Sa totoo lang, maraming pagkakataon na sila ay binubugaw ng lipunan, na para bagang mga langaw lamang. Mali ito. Kailangan maisaayos natin ang kanilang sitwasyon.

Upang mapabuti ang kalagayan ng mga basurero at mangangalakal sa Pilipinas, may ilang hakbang na maaaring isagawa. Isa na dito ay ang pagkakaroon ng mga awareness raising activities ukol sa circular economy at sa mahalagang papel ng mga mangangalakal dito. Kasama na dapat ito ang wastong waste handling pati health issues.

Kailangan din na mabigyan ng proteksyon ang mga mangangalakal sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang equipment o kagamitan, pati kasuotan. Kailangan din ng pagtaas ng kamalayan ng komunidad ukol sa mahalagang papel at kontribusyon ng mangangalakal sa ekonomiya at kalikasan.

Kapanalig, ang pagasang nakikita ng mga mangangalakal at basurero sa ating lipunan ay hindi lamang para sa kanilang sariling ganansya, nakikinabang din tayo dito. Kailangan nating makita ang kanilang dangal at ambag sa ating lipunan. Sabi nga sa Deus Caritas Est, dapat iisa ang ating layunin: ang pagiging makatao, sa paraan na kumikilala na ang tao ay nilikha sa imahe ng Panginoon, na may buong dignidad. Tayo ay dapat mamuhay na kumikilala at tugma sa dignidad na ginawad ng Panginoon.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 31,027 total views

 31,027 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 64,109 total views

 64,109 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 92,460 total views

 92,460 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 160,191 total views

 160,191 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 181,156 total views

 181,156 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Upper-middle income na ang Pilipinas

 31,028 total views

 31,028 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 64,110 total views

 64,110 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 92,461 total views

 92,461 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 160,192 total views

 160,192 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »
Scroll to Top