August 21 para sa mga kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,119 total reads

Mahalaga ang gampanin ng mga kabataan sa pagkamit ng kalayaan ng bansa.

Ito ang pahayag ni Liberal Party secretary-general Teddy Baguilat kaugnay sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng kamatayan ni Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.

“In fact, lagi kong sinasabi na itong August 21 ay para sana sa ating mga kabataan… This event really is for the filipino youth na sana aralin nila itong lessons nitong history para hindi maulit ulit,” bahagi ng pahayag ni Baguilat sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon kay Baguilat, ang pagiging mulat ng mga kabataan sa iba’t ibang pangyayari sa lipunan ay mahalagang salik upang higit na maunawaan ang tunay na kahulugan ng kalayaan para sa kapakanan ng bawat Filipino.

Batid ng opisyal na bagamat nagbago na ang panahon, patuloy pa ring nararanasan ang hindi patas na pagpapatupad ng mga batas para sa karapatan ng mamamayan.

Tinukoy ni Baguilat ang suliranin sa karapatang pantao kung saan marami pa rin ang nakakaranas ng mga pang-aabuso; katiwalian sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan; at ang patuloy na kahirapan at kagutuman ng mga nasa laylayan ng lipunan.

Umaasa naman si Baguilat na ang ipinamalas na katapangan at pagmamahal ni Ninoy Aquino para sa mamamayan ay gawing inspirasyon ng mga kabataang itinuturing na pag-asa ng bayan.

“So, sana ‘yun ‘yung maaral ng ating mga kababayan lalong lalo na ‘yung mga kabataan na maappreciate nila ‘yung sacrifice ni Ninoy Aquino at siguraduhin na hindi ulit mangyayari ito,” ayon kay Baguilat.

Agosto 21, 1983 nang barilin ni Rolando Lagman si Ninoy Aquino sa tarmac ng Manila International Airport (ngayo’y Ninoy Aquino International Airport) matapos ang tatlong taong pananatili sa Estado Unidos.

Una nang sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang pagpaslang sa dating mambabatas ang nagbunsod sa mapayapang 1986 EDSA People Power revolution, at naging daan upang makamit ng bansa ang kasarinlan mula sa diktadurang pamamahala ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 36,801 total reads

 36,801 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 188,683 total reads

 188,683 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 223,357 total reads

 223,357 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 239,257 total reads

 239,257 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 275,744 total reads

 275,744 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 283,019 total reads

 283,019 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 91,753 total reads

 91,753 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top