Taumbayan, hinimok ng CBCP na makibahagi sa season of creation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,033 total views

Muling inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagdiriwang ng Season of Creation 2023.

Sa mensahe ni CBCP president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, muling sinasariwa sa panahong ito ang mahalagang tungkulin ng bawat isa sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

Ayon kay Bishop David, ito ang pagkakataon upang higit na pagtuunan ang pagtugon sa lumalalang krisis sa klima ng daigdig.

“Our common responses to the climate emergency are truly becoming concrete occasions for the church to take our catholicity seriously in the sense of universality and inclusivity,” pahayag ni Bishop David.

Tinukoy ng obispo ang epekto ng patuloy na pagtangkilik at pamumuhunan sa maruming enerhiya tulad ng coal fired powerplants na naglalabas ng makakapal at maruming usok sa hangin.

Gayundin ang ibang mapaminsalang gawain na pumipinsala sa mga kagubatan, kabundukan, at karagatan, at nanganganib na hindi magisnan ng mga susunod na henerasyon kung hindi kikilos ang lahat.

Inihayag ng pangulo ng CBCP ang mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco sa liham para sa World Day of Prayer for the Care of Creation na nais ng Diyos na manaig ang katarungan at kapayapaan hindi lamang sa lipunan, kun’di maging sa inang kalikasan.

“It is as essential to our life as water is essential for our physical survival. May our immersion in the waters of baptism and our rebirthing in the spirit as God’s children truly effect in us a profound ecological conversion that alone can make us true to our vocation and mission to heed the groaning of creation and work for the renewal of the face of the earth.” ayon kay Bishop David.

Pinuri naman ni Bishop David ang Laudato Si’ Movement Pilipinas sa pangunguna para sa ecumenical celebration ng Season of Creation.

Katuwang ng LSMP ang CBCP-Episcopal Commission on Ecumenical Affairs, National Council of Churches in the Philippines (NCCP), at Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC), upang sama-samang maglakbay tungo sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

“What better opportunity can there be for a genuine synodality than learning to collaborate with fellow Christians from other traditions and denominations in our care for our common home.” saad ng obispo.

Sinisimulan ang panahon ng paglikha sa pamamagitan ng World Day of Prayer for the Care of Creation na inilunsad ni Pope Francis noong 2015 tuwing unang araw ng Setyembre, at magtatagal hanggang Oktubre 4, kapistahan ng patron ng kalikasan na si San Franciso de Asis.

Tema ng Season of Creation 2023 ang “Let Justice and Peace Flow” na hango sa mga kataga ni Propeta Amos na “Let justice flow on like a river, righteousness like a never-failing stream”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 21,551 total views

 21,551 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 49,902 total views

 49,902 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 117,632 total views

 117,632 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 140,783 total views

 140,783 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 209,398 total views

 209,398 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top